Chapter 48

85 5 1
                                    

Chapter 48

Document

"Huwag na. Delikado sa daan."

"Malapit lang naman ang bahay niyo. Saka, wala kang kasama dyan, hindi ako mapapakali."

Pabagsak akong nahiga sa aking kama bago napabuntong hininga. Wala sila Mama at Papa dahil na-stranded sila pauwi dulot ng walang tigil na pag ulan kaya nag-book muna sila sa malapit na hotel. Kaya ito, mag isa ako ngayong gabi. And Leandro is insisting to come over para daw may kasama ako.

Para namang hindi ko kayang mag isa.

"I told you, kaya kong mag isa. Saka wala namang mangyayaring masama sa akin, huwag ka ngang OA." Napapairap na lang ako.

Ngumiwi siya mula sa screen ng aking laptop.  "Paano kung may magnanakaw? Come on, Eli. You can't say the accident. Don'y argue, paalis na ako. Hintayin mo ko dyan." Then, the video call ended.

Ano pa nga bang magagawa ko? He's on his way here. Sana lang ay walang mangyaring hindi maganda sa kaniya. Madulas pa naman ang kalsada.

Pabalik-balik ako sa paglalakad. Damn! Nag aalala ako! Sampung minuto na ang lumipas ngunit wala pa din si Leandro! Kung tutuusin mga limang minuto lang ang byahe mula sa kanila papunta sa amin!

Oh God! Please keep him safe.

Nagmamadali akong lumabas ng bahay, dala ang payong, sa mismong gate na ako naghintay. Magpapabalik-balik lang din naman ako sa pag aaalala kung sa loob ako maghihintay kaya dito ko na lang siya hihintayin. At least, malayo pa lang ay makikita ko na ang sasakyan niya.

Wala na akong pakialam sa mga lamok na pumapapak sa akin. Maiintindi ko pa ba iyon kung puro si Leandro na lang ang naiisip ko?

Fifteen minutes had pass, wala pa ding bakas ni Leandro o kahit ang ilaw ng sasakyan niya. Mas lalong umusbong ang pag aalala ko.

Sabing huwag na akong puntahan, eh. Ang kulit naman kasi ng loko!

Mas lalong bumuhos ang ulan pero hindi ko inabalang pumasok. Kahit puro tilamsik na ng putik ang aking paa at binti ay todo kapit pa din ako sa payong.

Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay makita ko na ang sasakyan ni Leandro.

Binuksan ko ang malaking gate para maipasok niya ang kaniyang kotse. Hindi pwedeng maiwan ito sa labas at baka mapinsala ng bagyo. Mahal na mahal pa naman ito ni Leandro. Mas mahal pa nga niya yata iyon kesa sakin, eh.

Bumaba siya matapos i-park ang kotse sa garahe.

"You should have wait me inside." Niyakap niya ako sa bewang upang magkasya kami sa maliit na payong. Kahit sa totoo lang ay basang-basa na ang braso namin. Sa laki ba naman nitong si Leandro, hindi talaga kami magkakasya sa isang maliit na payong lang.

Bakit nga ba hindi ako nagdala ng extra payong? Damnit!

"Tingnan mo, basang basa ka na." Pinunasan niya ng palad ang aking braso.

"Ang tagal mo kasi, eh. Saan ka ba nagpunta? Akala ko may nangyari na sayo, eh."

"Oh that..." Humaplos ang palad niya sa gilid ng kaniyang leeg. "Bumili lang ako ng pagkain eh mahaba ang pila sa drive thru."

"Hindi mo man lang ako nakuhang tawagan."

Inangat niya ang cellphone. "Dead bat."

Napairap na lang ako. Pero sabagay, tatawagan niya talaga ako kung magkaroon man siya ng problema. Katulad na lang ngayon. Leandro won't ignore me. Hindi niya ako kayang baliwalain, hindi katulad ng ibang tao.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now