Chapter 8

177 8 1
                                    

Chapter 8

Selos

"Congratulations, Ms. Bailey and Mr. Williams for having a perfect score for this activity. Job well done to the both of you." Todo ngiti ako sa unahan, katabi si Darcy na malaki din ang ngiti sa harap ng camera. Hawak namin sa magkabilang gilid ang typewriting na naglalaman ng aming proyekto ukol sa komunikasyon. And yes, kami ang may pinakamataas na score sa buong klase.

Ewan ko nga lang kung bakit kailangan pa ng picture. Is that even necessary?

Pero nakakatuwa at nakakataas ng pride dahil natalo namin ang gawa nila Maddie na alam ko namang hindi nakikipag kumpitensya at gusto lamang kaming paglapitin ni Darcy. At dahil masama ang ugali ko, nginisian ko sila. Yung may panguuyam na tinawanan lang ni Maddie at Heady. Mga bruhilda talaga.

"Ang galing naman ni Eli!" Nang aasar na bati ni Heady ng makaupo kami. Pangalawa lang sila sa score namin at dahil masama nga ang ugali ko, natuwa ako ng todo. "Inspired?"

Sinimangutan ko sila ni Maddie. "Anong inspired? Saan naman?"

Nagkatinginan ang dalawa. "Ewan. Ikaw lang makakasagot niyan." Umirap ako.

Wala pa si Sir Valencia para sa Personal Development Subject namin kaya inabala ko muna ang sarili sa aking cellphone.

After class ang meeting sa SC office. Chat ko sa GC ng Student Council Officer.

Pres, may cheer dance practice kami. Napairap na naman ako dahil sa chat ni Amanda. So, uunahin pa niya yun sa importanteng meeting ng SC?

Remember the rule, Ms. Secretary? Make the Student Council meeting first priority. Nakikinikinita ko na ang nakasimangot na mukha ni Amanda habang binabasa ang chat ko.

Seen na lang ang ginawa niya sa message ko. Bahala siya. Kung ayaw niyang umattend, di wag. Siya din naman ang mapapatalsik sa pwesto.

Dumating si Sir Valencia na may dalang makapal na hand out.

"Who's your treasurer?"

"Wala pa po kaming class organization." Sagot ng isa sa kaklase namin.

"Okay. Ako na lang ang maniningil para sa hand out. Three pesos each of you dahil three pages ang pina photocopy kong hand out."

Kinuha ko ang aking pitaka. Shit! Wala akong barya. Buong isang daan. Hindi nga pala ako namasahe kanina kaya buo pa.

"Mister, three pesos lang. Six pesos ang binigay mo." Nilingon ko si Darcy na kausap si Sir Valencia.

"Amin po yan ni Ms. Bailey."

"Oh okay."

"Wala akong barya. Bukas na lang kita babayaran." Ayokong magkautang ng pera sa ibang tao. As long as na may pambayad ako kahit piso pa yan, babayaran ko talaga.

Umiling lang siya. "Sinabi ko bang bayaran mo?"

"Huh?"

"Libre na kita."

Hindi na ako naka angal pa dahil nagsimula ng mag discuss si Sir. Paikot ikot ang guro habang nagtatawag para ipaliwanag ang nasa handout.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now