"Sa bawat pagmulat ng mga mata
Madalas kong hilingin na sana
Kinabukasan ko'y mag-ibaSapagkat sawa na akong maging mahirap
Sa katunayan, ako'y may mataas na pangarap
Nais kong maabot ang alapaapIbig kong abutin ang mga bituin
Makisabay sa ihip ng hangin
Makamit ang mga hangarinNgunit ang mangarap ay hindi pala sapat
Sapagkat sa isang maling desisyon,
nawala ang lahat
Nalugmok sa kumunoy at nawala ang ninanais na pag-angatNgunit paano kung ang lahat ng ito
Huwad lamang pala at ako'y isang tanga sayo?
Paano kung hindi pala ako, ang inaakala kong ako?Paano ko tatanggapin ang lahat ng ito,
Kung ang bukas ay nasa kabilang mundo?""Sa bawat pagpikit ng mga mata
Madalas kong hilingin na sana
Bukas ay hindi na magising paSapagkat pagod na akong magpanggap
Sa katunayan, ako'y sumuko na sa pangangarap
Nais ko na lamang mahiga sa mga ulapIbig kong maging isang bituin
Maging isang abo na isasaboy sa hangin
Makamit ang payapang hangarinNgunit ng makilala ka, ako'y naging tapat
Sapagkat sa isang desisyon,
nagsimulang magbago ang lahat
Nagkaroon ng direskyon, ninais kong umangatNgunit paano kung ang lahat ng ito
Ay ang nag-iisang tama sa lahat ng pagkakamali ko
Paano kung ikaw,
ang anghel sa magulo kong mundo?Paano ko magagawang manatili sa tabi mo
Kung ang bukas ay hindi ko na sigurado?"
YOU ARE READING
San Lazarus Series #6: Onerous ✔
RomancePaano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lamang pagpapanggap? Start: September 15, 2023 End: January 30, 2024