CHAPTER XXIX: OFF

24 6 0
                                    

🍛🍛🍛

"Anong ginagawa mo rito?!" Galit na bungad n'ya ng pagbukas n'ya ng pinto ay nakita n'ya si Vladimir kung kailan lunes ng umaga saka pa ito nagpakita para sirain ang araw n'ya.

"Ihahatid sa eskwela ang anak-"

"-shut the fuck up." Agap na pigil n'ya dahil hindi pa n'ya mapagdesisyonan kung ipaaalam sa anak ang totoo o itatago na lang.

"Faye-"

"-wala akong sinabing sunduin mo 'sya."

"Wala nga, pero gusto ko."

"Wala kang karapatang magdesisyon para sa anak ko." Madiing sabi n'ya.

"Mom, sinong kausap mo po?" Napatingin sila sa narinig at agad na nawala ang inis n'ya ng makita ang anak na kasunod si Jackson, parehas pang-inaantok at pikit ang mga mata.

Napangiti s'ya sa itsura ng dalawa. "Wala, nakaluto na ako ng agahan. Kumain na kayo." Sagot n'ya saka bahagyang isinara ang pinto, nagkibit-balikat ang mag-ama n'ya saka dumiretso sa kusina kaya bumaling s'ya kay Vladimir. "Umalis ka na."

"Pero lunes ngayon, 'yon ang nasa usapan." Pilit nito.

Tiningnan n'ya ng masama ang lalake. "Aalis ka o kakaladkarin kita paalis ng building?" Badtrip ng banta n'ya.

Napabuntonghininga ito. "Fine, babalik na lang ako mamaya." Sabi nito kaya sinara na n'ya ang pinto at hindi na pinansin iyon, wala s'yang pakealam sa lalake.

Dumiretso s'ya sa kusina at sumabay sa pagkain ng dalawa, matapos iyon ay nag-aasikaso na sila ng muling may kumatok. Abala s'ya sa ginagawa kaya si Jackson ang nagbukas no'n.

"Love, nakita mo ba 'yong-" napahinto s'ya ng makita na naman si Vladimir, tumaas ang kilay n'ya at akmang magsasalita na ulit ng marinig n'yang sumigaw si Acks mula sa loob ng kwarto. Agad na tinungo iyon ni Jackson na nauna pa sa kan'ya kahit nasa may main door ito.

"Anong nangyari?" Tanong n'ya ng makasunod, napakunot ang noo n'ya ng makitang parehas nasa harap ng salamin ang mag-ama n'ya. Napasaltak s'ya saka nakahalukipkip na sumandal. "Huwag mong sabihing sumigaw ka dahil wala ka na namang gel? Makukurot kita ng nail cutter Jackson!" Banta n'ya sa anak.

Napahinto sa ginagawa ang dalawa at tiningnan s'ya. "Sino samin ni papa, mama?" Inosenteng tanong ng anak n'ya.

Napairap s'ya saka naglakad papasok, lumapit s'ya at piningot ang anak. "Malamang ikaw." Inis na sabi n'ya.

Sumimangot si Acks. "Mama naman, napasigaw lang e."

Napailing ang asawa n'ya saka hinawakan s'ya sa bewang at inilapit. "Son, alam mo namang allergic sa ingay ang mama mo tuwing umaga." Paalala nito.

Bumaling sa salamin si Acks. "Nalimutan ko po, nag-panic ako e." Sinuklay nito ang buhok saka nagpogi sign. "Gwapo na po ba ko?"

Umiling s'ya. "Pangit ka pa rin." Sagot n'ya kaya agad na humarap sa kanila ang anak n'ya.

"Mama, hindi ako pangit! Imposible 'yon! Ang gwapo ni papa oh!" Katwiran nito saka tinuro si Jackson. "I am his son, therefore I'm also handsome!"

"May anak na nagmana sa talampakan, acks."

"How could you say that mama!" 'Di makapaniwalang drama nito. "Parang noong nakaraan sabi mo gwapo ako! Tapos ngayon mukha na kong talampakan! Ako'y hurt!"

Napatawa sila parehas ni Jackson, pinisil n'ya ang pisngi ng anak. "Hurt ka pang nalalaman, bilisan mo na at dumating na ang sundo mo."

Napasimangot ito. "Mama, bakit kasi di na lang si papa ang maghatid sakin gaya ng dati?"

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now