CHAPTER XXVIII: CONDITIONS

30 6 0
                                    

🍛🍛🍛

Maaga s'yang nagising ng sumunod na araw, tulog pa nga si Jackson at nakayakap sa kan'ya ng abutin n'ya sa lapag ang shirt nito na s'yang malapit sa kan'ya. Bumangon s'ya at isinuot iyon dahilan para maalimpungatan ang katabi.

"Maaga pa," inaantok na sabi nito saka yumakap ulit sa kan'ya kaya hinampas na n'ya ang braso nito.

"Anong maaga, baka mauna pa ang anak mo magising sa atin." Ismid n'ya. "Gusto mo bang makita n'ya ang mga kalat mo?" Pananakot pa n'ya saka kinalas ang yakap nito. Bumaba s'ya mula sa kama at pinulot ang mga damit nila.

"Hey sexy, wala ba kong goodmorning kiss man lang?" Ungot nito na inirapan n'ya.

"Goodmorning kiss ka dya'n, sumobra ka na nga kagabi!"

Tumawa si Jackson. "No comment," sabi nito saka bumangon, kinuha ang twalya na nakasabit at binalot ang sarili bago lumapit sa kan'ya para yakapin s'ya. "Any cravings for breakfast, madam?"

"Fried rice?" 'Di siguradong sagot n'ya.

Ngumiti si Jackson. "Okay, fried rice for my beautiful wife." Malambing na sabi nito saka binitawan na s'ya at lumabas.

Alam n'yang diretso iyon sa banyo kaya naman kumuha na lang s'ya ng susuotin nito bago inasikaso naman ang sarili, naliligo na s'ya ng magsimula itong magluto at abala na s'ya sa pagbibihis ng kumatok ito sa pinto ng kwarto mukhang tapos na sa ginagawa.

"Wife, do you need help?" Tanong nito ng makitang naglalagay s'ya ng lotion. "I can perfectly apply that, all over."

Muli s'yang napairap. "Tigilan mo ko, ang aga-aga!" Reklamo n'ya na tinawanan ni Jackson.

"Okay mamaya na lang ulit gabi. Anyways, hurry up lalamig ang pagkain." Sabi ng asawa n'ya saka lumabas na ng kwarto, tinapos n'ya ang ginagawa at nagtungo sa hapag. Nakahain na ito at naroon na rin si Acks na magana ng kumakain ng agahan, ipinaghila s'ya ng asawa ng upuan at nagsimula na rin silang dalawa kumain.

Pagkatapos ay nag-asikaso na sila para sa kan'ya-kan'yang gagawin buong araw, inihatid nila ang anak sa eskwelahan bago s'ya nito ihahatid sa store n'ya. Napahinto s'ya sa pagtanaw sa anak ng magsimula ng magmaneho paalis doon si Jackson ng mawala na sa paningin nila si Acks, hinawakan nito ang kamay n'ya saka saglit s'yang sinulyapan para ngitian. "Wife,"

"Hmmm?"

"Thank you,"

Napakunot ang noo n'ya, ano namang ipinagpapasalamat nito ng ganito kaaga? "Para saan?" Tanong n'ya.

"Kagabi,"

"Alin do'n?" Kunot pa rin ang noong tanong n'ya.

"Lahat," saglit ulit s'yang tiningnan ni Jackson. "Have you check your accounts already?"

"Accounts? What do you mean?"

"Just check your social media accounts," utos nito saka binitawan ang kamay n'ya, nagtaka s'ya bigla at mas lalong lumala ang pagkakata n'ya ng mapansin ang ngiting sinusupil nito kaya naman kinuha n'ya sa bag ang cellphone at ginawa ang sinabi nito.

Halos manlaki ang mga mata n'ya at hindi s'ya nakaimik ng makita ang tinutukoy nito.

Relationship Status Request:
Jackson Montesejo is married with Fatima Faye Clinton
August 1, 2015

"Seryoso?" 'Di makapaniwalang sambit n'ya at lumabas na ang ngiti sa mga labi ni Jackson. "B-bakit? Para saan?" Naguguluhang tanong n'ua dahil hindi naman ito ganoon, katulad nga ng napag-usapan nila noong nakaraan ay hindi naman ito ganoon ka-public sa social media kaya hindi n'ya maintindihan kung anong sumapi sa asawa at nag-ganoon ito.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now