CHAPTER XXXIII: WHERE SHE BELONGS

55 10 0
                                    

🍛🍛🍛

Napangiti si Faye pagmulat ng mga mata n'ya kinabukasan dahil ang ngiti ni Jackson ang bumangad sa kan'ya, nag-open arms ang asawa n'ya kaya kahit inaantok pa ay lumapit s'ya saka yumakap.

"Goodmorning, wife." Marahang bati ni Jackson saka niyakap din s'ya.

Napahikab s'ya kahit pa kagigising n'ya lang. "Goodmorning." Bati n'ya rin saka ipinikit ang mga mata, wala naman s'yang narinig mula kay Jackson kaya nakatulog na s'ya ulit at nagising lang ng maramdamang may humalik sa pisngi n'ya, iminulat n'ya ang mga mata at nakita n'yang nakasuot na ng polo ang asawa n'ya. "Papasok ka na?" Tanong n'ya.

"Yes, still feel sleepy?"

"I guess I still have to sleep again."

"You should be, you were drained because of what happened last night." Sinipat nito ang noo n'ya maging ang leeg n'ya. "Wala ka namang lagnat, anong nararamdaman mo?"

Napangiti si Faye. "Unlike kahapon, ayos na ko ngayon." Bumangon s'ya. "Nag-almusal ka na ba?"

Tumango si Jackson saka hinawi ang buhok n'yang magulo at bahagyang nakatabing sa mukha n'ya. "Ipinagluto na rin kita ng almusalan mo, pupunta ka ba sa store?"

"Baka hindi na muna,"

"Okay, magpahinga ka na lang muna dito."

"Ingat ka,"

"I will," lumapit si Jackson, ilang hibla na lang ang pagitan. "Any request?"

"Go home safely,"

"Noted," akmang hahalikan na s'ya ni Jackson sa labi ng bumukas ang pinto.

"Papa-opps!" Hiyaw ni Acks kaya napatingin sila sa gawi ng pinto, nakita n'yang nakasuot na rin ang anak ng uniform at handa ng pumasok sa eskwelahan.

"Ang gwapo naman ng baby ko," puri n'ya na ikinangiti ng malapad ni Acks.

Agad na lumapit ang anak n'ya saka sumampa sa kama. "Hindi na ko mukhang talampakan sa mga mata mo mama?" Tanong ni Acks na ikinatawa n'ya.

"Pwede namang gwapong mukhang talampakan ah?" Sagot n'ya.

Sumimangot si Acks. "Mama, binu-bully mo na po ako!" Reklamo nito.

Pinisil n'ya ang pisngi ng anak. "Kumain ka na?" Tumango si Acks bilang sagot. "Good, sige na umalis na kayo at baka ma-late pa kayo." Pagtataboy ni Faye sa mag-ama n'ya, hindi na rin naman nagtagal ang mga ito at nagpaalam ng aalis para pumasok kaya naman naiwanan s'yang mag-isa. Inabala na lamang n'ya ang sarili sa paglilinis ng buong unit dahil ilang araw na rin naman s'yang hindi nakakapagligpit. Patapos na s'ya sa paglilinis sa kwarto ng marinig na tumunog ang doorbell, sa pag-aakalang sila Acks iyon ay agad n'yang tinungo ngunit ng buksan n'ya ang pinto ay napakunot ang noo n'ya ng si Amanda ang bumungad sa kan'ya. Gulong-gulo ang itsura nito, balisa at para bang takot na takot ito kaya naman agad n'yang pinatuloy ang bata.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong n'ya ng mapaupo ito sa sofa, inabutan nya ng maiinom ang bata para kumalma habang inaasikaso n'ya ito.

"A-alam kong h-hindi tayo a-ayos, pasensya na kung dito ako tumakbo. Akala ko kasi ay narito pa ang asawa mo." Sabi ni Amanda, ni hindi pinansin ang tanong n'ya.

Napakunot ang noo n'ya. "May kailangan ka kay Jackson?"

Tumango si Amanda, naroon pa rin ang takot sa mga mata. "S-si mommy kasi-" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil nagsimula ng maiyak ang bata, hindi man sila malapit sa isa't-isa ay nakararamdam pa rin s'ya ng awa para kay Amanda na nadadamay sa nangyayari sa paligid nito.

"Tahan na," alo n'ya saka akmang hahawakan si Amanda ng automatic na umiwas ang bata. "Anong problema?"

Mabilis na umiling ang bata at umusog palayo. "W-wala."

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now