CHAPTER XX: REGRETS

31 3 0
                                    

🍛🍛🍛

Naging abala sila parehas ni Jackson sa mga sumunod na linggo habang tuloy-tuloy pa rin naman ang pagc-crochet nya kahit pa marami na syang ginagawang ibang bagay.

"Nay," sambit nya ng makakuha ng sapat na lakas ng loob para kausapin ang kanyang ina tungkol sa anak nya.

"May problema ka?" Tanong nito saka huminto sa paghuhugas ng plato at humarap sa kanya.

"Actually, may ipapakiusap po sana ako."

Nagpunas ito ng kamay. "Ano iyon?"

"Nakakahiya man pero 'nay," inilagay nya ang mga kamay sa likod habang nahihiyang tinignan ang ina. "Pwede ho bang iwanan ko sa'yo si Acks?"

"Oo naman," ngumiti ang ginang. "May lakad kayo ng asawa mo?"

"Ahmmm ang totoo po nyan.....magta-trabaho kami ni Jackson....magkasama kaming luluwas ng maynila....nakakahiya man pero kung ayos lang po sanang ikaw muna ang bahala kay Acks."

Napabuntonghininga ang ginang ngunit hindi nawala ang ngiti nito. "Talagang matanda na ang baby ko," sambit ng ginang saka hinawakan ang kamay nya. "Alam mo ba noong malaman kong may anak ka na at ikinasal na, gusto kong magalit....sabi ko sana nasa tabi mo ko noong magkasintahan pa lang kayo ng sa ganoon nagabayan kita, hindi ka sana maagang ikinasal at nagkaroon ng anak pero ngayong nakikita ko kayo, kung paano nya kayo alagaan....kahit papaano napanatag na rin ako, atleast hindi ka pinababayaan ni Jackson."

"Nanay naman, da-drama pa talaga." Biro nya saka lumapit at niyakap ang ina.

"Sorry ah," rinig nyang sambit nito dahilan para magsimulang manubig ang mga mata nya. "Sorry kung noong nasaktan ako, ni hindi ko naisip na nasaktan ko rin kayo.....sorry kung mas inisip ko ang sarili ko....sorry kasi naiwan kang mag-isa, kung kailan kailangan mo ako....." isinubsob nya ang mukha sa may balikat ng ina, humigpit ang yakap nya at nagsimula na syang umiyak. Ganoon lamang, simpleng sorry at pagsisisi mula sa ina ay umiyak na sya, bumigay na sya ng tuluyan. Pakiramdam nya unti-unting napawi ang sakit na nararamdaman nya noon na para bang sa isang iglap hindi man basta-basta maaalis ang pilat ng sugat na nilikha ng sakit na iyon ay kahit papaano, nagamot at napawi ang hapdi no'n.

Matapos ang madamdaming tagpo nilang iyon ng kanyang ina ay naupo sya sa labas ng bahay, wala syang kahit anong sinabi o binitawang salita sa ina, hindi nya sinabing pinatawad na nya ito dahil sa idinulot na sakit ng paglisan nito ngunit hindi nya rin sinabing hindi nya pa ito pinapatawad, basta'y niyakap nya lang ito ng mahigpit habang lihim na idinarasal na sana'y maramdaman ng ginang kung gaano nya ito kamahal kahit pa nasaktan sya nito. Noong mga oras na iyon, nais nyang sabihing kalimutan na nila ang mga naganap ngunit alam nya sa sarili nyang hindi madaling kalimutan ang isang bagay na umukit ng matinding sakit sa pagkatao nya kaya wala syang ibang nagawa kundi ang yakapin na lang ng mahigpit ang ina.

Napatingin sya sa langit, maaliwalas iyon. Hindi nya maiwasang maisip na sana'y nasa tabi nya si Vladimir ng mga oras na iyon, sana'y naroon ito upang samahan sya sa tagpong iyon, alam nyang paniguradong matutuwa ang lalake na ayos na sila ng kanyang ina, alam nyang aaluin at pagagaanin nito ang loob nya upang huminto na sya sa pag-iyak.

Napabuntonghininga sya saka napayuko at pinunasan ang mga mata nya, kahit pala gaano ka nasaktan may mga pagkakataong hihilingin mo pa rin na sana nasa tabi mo sya na para bang hindi ka nasaktan ng husto ngunit gising na sya sa katotohanan, alam nyang isa na lamang magandang panaginip ang nakaraan nilang iyon. Isang alaala na kahit pa anong gawin nyang paglimot ay katulad ng sakit, mananatili itong nakaukit sa puso nya hanggang sa araw na tuluyan na nyang magawang pakawalan ang mga iyon.

"Ayos ka lang?" Rinig nyang tanong sa gilid nya kaya agad syang napaangat ng tingin at nakita nya ang nag-aalalang si Jackson.

Tumango sya. "Ayos lang," tipid na sagot nya.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now