CHAPTER XIII: THE TRUTH

43 7 0
                                    

🍛🍛🍛

Hindi alam ni Faye kung kailan natapos ang himig ng saya, sa isang iglap ay parang nagbago ang takbo ng lahat. Umalis lang naman si Jackson pero parang inalat na agad sya sa buhay, hindi naman iyon ang lucky charm nya pero bakit parang minamalas naman sya agad?

Naalimpungatan sya ng marinig ang ingay, napamulat sya ng mata at nakita nyang nag-aasikaso na si Vladimir para pumasok kaya agad syang napabangon kahit inaantok pa. "Bakit di mo ko ginising? Papasok ka na?" Tanong nya na tinanguan lang ng lalake.

Tumayo sya. "Pasensya na, kumain ka na ba? Teka ipagluluto-"

"-wag na, doon na lang ako kakain." Pigil nito sa kanya saka isinukbit sa balikat ang bag.

"Teka lang-" pigil nya rin pero tumuloy na ito at umalis.

Napabuntonghininga sya, kasalanan nya bang nagiging tulugin at antukin sya lately? Bumaba sya sa baba at naroon pa ang lahat maging ang hugasin na nakatulugan nya kagabi, muli syang bumuntonghininga saka nag-asikaso. Kinabukasan ay maaga syang gumising para bumawi, ipinagluto nya ito ng agahan maging ng baon na gustong-gusto nito.

"Goodmorning," nakangiting bati nya ng magising ito.

"Kain na, ipinagluto kita ng agahan mo."

"Maliligo muna ako," sambit nito saka dumiretso sa banyo pero matapos iyon at makapagbihis na ay hindi man lang pinansin ang inihain nya.

"Teka, 'yong baon mo-" napatikom na lang sya ng bibig ng dumiretso na ito ng alis. Napaupo na lang sya at napabuntonghininga.

Araw ng linggo, akala nya ay mananatili ito sa tree house katulad ng palagi nitong ginagawa noon pero pagmulat ng mga mata nya ay wala na ito sa tabi nya, agad syang bumaba nagbabakasakaling nasa kusina pero wala, maging ang susi ng kotse nito ay wala sa sabitan ni hindi man lang sya sinabihan o ginising at basta na lang umalis.

Inintay nyang umuwi kinagabihan pero nakatulog na lang sya sa pagkakaungko sa mesa habang nag-iintay ay hindi pa rin dumating si Vladimir, dalawang araw ang lumipas bago nya muling nakita ang lalake.

"Vladimir pwede ba tayong mag-usap?" Seryosong tanong nya.

"Tungkol saan?" Tanong pabalik sa kanya.

"Sa atin,"

Napakunot ang noo ni Vladimir. "Anong meron?"

"Ikaw ang dapat na tinatanong ko nyan, anong meron?"

"Faye-"

"-may problema ba tayo?"

"Pagod lang ako sa trabaho, faye."

"Pagod ka sa trabaho," napatango sya. "Trabaho kahit linggo?"

"Lumabas kami noong linggo."

Napataas ang kilay nya. "Ng babae mo?"

"Ng mga katrabaho ko." Pagtatama nito.

"Katrabaho pero ni hindi ka nagpaalam? Basta ka na lang umalis tapos ngayon ka lang babalik pagkalipas ng ilang araw? Vladimir baka nalilimutan mong buntis ako?!" Tumaas na ang tono ng boses nya.

"Anong gusto mo? Dito lang ako? Intindihin kita? Ikaw lang ang atupagin ko?" Nagsalubong na ang mga kilay ni Vladimir. "Faye hindi tayo mabubuhay kung ikaw lang ang aatupagin ko!"

Napatayo na sya. "Wala akong sinabing ganoon! Ang akin lang sana nagpapaalam ka para alam ko!"

"Hindi naman lahat ng bagay kailangan kong sabihin sayo." Matigas na sabi nito.

"Vladimir, naririnig mo ba ang sinasabi mo?"

"Mabuti pa magpahinga na tayo." Pinal na sabi ni Vladimir at di na pinansin ang sinabi nya, umakyat na ito sa taas at pumasok sa tree house.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now