CHAPTER XIX: EYES

32 4 0
                                    

🍛🍛🍛

"Ganoon ka talaga?" Di na nya napigilan ang sarili at naitanong na nya ang nasa isipan pagkauwi nila sa bahay habang parehas silang nasa kwarto.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Snober, distant, silent at masungit."

"Fatima-"

"-iyon ba ang totoong ikaw?"

"Yes, that's part of me."

"Ibig mong sabihin....nagkukunwari ka lang?"

Umiling ang lalake. "No, hindi ko magagawa 'yon sayo." Sagot nito kaya hindi sya umimik. Napabuntonghininga si Jackson saka nilapitan sya. "Fatima," pukaw nito sa atensyon nya.

Napahinto sya sa pagtatali ng buhok ng hawakan sya ni Jackson sa bewang. "Bakit?" Tanong nya saka hinayaan na lang muna na lumugay ang buhok nya.

"I don't know kung maiintindihan mo pero magkaiba talaga ang trato ko sa mga kaibigan ko at sayo, yes I also love them but not as much as I love you, I may care for them but not as much as I cared for you and our baby."

Iniangat nya ang kamay at marahang hinawakan ang pisngi ng asawa. "Naiintindihan ko," panimulang sambit nya. "Hindi naman kasi pare-parehas ang pagpapahalaga natin sa bawat tao, gaya ko. Mahalaga ka sakin pero kung papipiliin ako, mas pipiliin ko si baby dahil mas mahalaga sya para sa akin."

"Sa lahat ng choices, ito yung unang beses na narinig kong hindi ako pipiliin pero masaya pa rin ako."

"Sira," tiningnan nya sa mata si Jackson. "Pero jackson, 'wag mo pa ring kalilimutang itrato sila ng tama despite sa differences sa kung paano mo pahalagahan ang bawat tao."

Napatango ang lalake. "Tatandaan ko,"

"Anyways" ngumiti si Faye. "Katulad ng sabi ko, proud ako sayo."

"Thank you fatima," inilapit sya ni Jackson at niyakap ang bewang nya. "Na-cross out mo na ba 'yong list natin?"

"Oo nga pala," sambit nya saka humiwalay at kinuha sa drawer ang notebook, naupo sya sa kama at binuklat iyon saka ginawa ang sabi ni Jackson.

[✓] 1. Kasal
[✓] 2. Makatapos si Jackson
[  ] 3. Mai-provide lahat ng needs ni baby
[  ] 4. Magkaroon ng maayos na buhay.

"Jackson, dalawa na." Nakangiting pagbibigay alam nya.

Ngumiti din si Jackson. "Anong next?"

"Mai-provide lahat ng needs ni baby," basa nya sa nakasulat.

"Then?"

"Magkaroon ng maayos na buhay."

"Maghahanap na ako ng maayos at permanenteng trabaho," marahang nginitan siya nito, "Ngayong nakapanganak ka na, kung nais mong magtrabaho ay ayos lang."

Napasimangot sya. "Pano naman si baby kung full time ka tapos may pasok ako?"

"About that ahmm...maybe let's get a babysitter?"

Naningkit ang mga mata nya. "Mas lalong lalaki ang gastos natin."

"Okay..." saglit itong natahimik bago muling umimik. "I'll try to ask kristel, na pansamantalang sya muna ang magbantay kay baby habang nasa trabaho then pag-uwi ko, ako naman ang magbabantay."

"Okay...iisip din ako ng ibang paraan." Sang-ayon nya, kailangan nyang pumayag iyon ay upang hindi magmukhang unfair ang lahat, napilit nya itong magtapos at pinakinggan sya ng asawa kaya sa pagkakataong ito sya naman ang dapat na makinig.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now