CHAPTER XVIII: FEELINGS

31 3 0
                                    

🍛🍛🍛

Kung mayroong isang bagay na ikinapapasalamat nya, iyon ay ang pagkakaroon nya ng anak. Hindi man nya masasabing proud sya dahil nagkaanak sya ng ganoon ang edad dahil hindi nakaka-proud ang mapasama sa teenage pregnancy pero napa-proud sya dahil alam nyang kinakaya nyang palakihin ang anak nya despite sa age nya at syempre dahil na rin sa tulong ni Jackson ay nagagawa nyang maging the best na ina para sa anak nya.

Minsan sumasagi sa isip nya na paano kaya kung si Vladimir ang kasama nya ngayon, ano kayang mangyayari? Pero kapag nakikita nya kung paano mahalin at alagaan ni Jackson ang anak ay ipinagpapasalamat na rin nyang ito ang nasa tabi nya sa yugtong ito ng buhay nya.

Hindi biro ang pagiging isang batang-ina na kung may pagkakataon lamang sya noon, kung maibabalik lang ang panahon sana'y mas maaga nyang naisip na hindi magandang ideya na mag-anak ng ganoong edad. Pinagsisisihan nyang naging tanga sya sa pag-ibig pero hindi nya pinagsisisihang dumating ang anak nya sa buhay nya dahil iyon ang nagsilbing anchor nya ngayon ngunit sadyang nare-realize nya lamang na mali ang maagang mabuntis, mali na naging batang-ina sya, mali na basta na lamang sya nagpaubayang matupok ng apoy at kung magkakaroon sya ng pagkakataon ay mas gugustuhin pa nyang hikayatin ang mga ka-edad nyang mag-aral ng mabuti para sa kinabukasan kaysa ang unahin ang pag-ibig bagay na nabulag sya ng dahil sa pagmamahal.

Ma-swerte sya kung tutuusin dahil hindi sya pinabayaan ng kuya nya at lalo na ni Jackson na sa kung anong kadahilanan ay habang tumatagal ay nagagawa na nyang buksan ang puso para sa asawang walang ibang hinahangad kundi ang mapabuti sila ng anak nya. Hindi mahirap mahalin si Jackson, alam nya iyon ngunit sadyang hindi pa ganoon kahanda ang puso nya na bumigay ulit ng buong-buo at muling magmahal ngunit kahit ganoon ay hindi naman nya hinahayaang maapektuhan no'n ang relasyong mayroon sya kay Jackson, hindi pa man nya ito lubusang magawang mahalin ay sinusubukan naman nya ang makakaya nyang kahit papaano ay maiparamdam sa asawa na mahalaga na rin ito para sa kanya hindi lamang dahil magkaibigan sila kundi dahil kabiyak na nya ito.

Gabi ng sabado ng sumunod na buwan ng habang nanonood sila ng movie ay bigla na lamang umiyak ang baby nya, agad namang tumayo si Jackson at binuhat ang sanggol. Lumapit ito sa kanya at ibinigay iyon saka bumalik sa tabi nya, pinatahan nya ang sanggol at ng mapagtantong nagugutom ito kaya umiiyak ay brinestfeed na nya iyon, naramdaman nya ang paghawak sa kanya ni Jackson habang inaasikaso nya ang anak, inilapit sya nito kaya naman sumandal na lamang sya sa asawa habang abala sya sa sanggol.

"Mukhang sanay ka na ah?" Natatawang puna nya ng hindi na ito pumikit man lang kahit nilabas nya ang isang dibdib nya.

Niyakap sya ni Jackson. "I'm just trying my best.." mahinang sambit nito kaya napatawa sya.

"Trying your best? Na?" Ulit nya.

"Fatima, alam mo na 'yon."

"Hindi ko alam," natatawang kunwari nya.

Naiilang na tumawa si Jackson. "Pinagti-tripan mo na naman ako."

"Oyy wala akong ginagawa ah." Tanggi nya pero tinawanan lang sya ni Jackson, di nagtagal ay naramdaman nyang nakatulog na ang asawa habang nakayakap sa kanya ganoon din ang baby nya kaya maingat syang humiwalay saka bumaba ng kama para ilagay sa kuna.

Tinapik nya si Jackson. "Umayos ka ng higa, mangangalay ka nyan." Sabi nya, umayos ng higa si Jackson ng hindi man lang nagmumulat ng mga mata. "Usog ka do'n." Utos nya pa.

"Bakit?" Inaantok na tanong nito sa kanya.

"Para hindi ka na maistorbo pag-umiyak si baby, ako ng babangon." Sagot nya, umusog si Jackson at nahiga na sya pero di katulad ng sinabi nya ay bago pa sya makabangon ng umiyak si baby ay nauna ng bumangon si Jackson na para bang automatic iyon na sa tuwing iiyak ang sanggol ay kusa itong kumikilos para asikasuhin iyon. Hindi nya tuloy alam kung matutuwa o matatawa na lang dahil kahit pa pikit pa ang mata ay ipinaghihele na nito ang baby nya kahit madaling araw na.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now