CHAPTER XXIII: FAMILY

39 5 0
                                    

🍛🍛🍛

"CONGRATULATIONS!" Iyon ang agad na bumungad sa kanya pag-uwi nila ng probinsya matapos ang graduation nya, napangiti sya ng salubungin sya ng inay at kapatid nya na maging si Alicia ay agad na sumalubong din. Paghinto ng mga to sa harap nya ay agad syang inipit ng yakap habang pare-parehas silang may ngiti sa labi.

"Proud na proud ako sayo, anak." Madamdaming sabi ng ina nya ng bitawan sya, maluha-luha pa ito habang nakatingin sa kanya.

"Salamat, ang effort nyo talaga." Puna nya ng mapansin ang inihanda ng mga ito para sa kanya.

"Syempre tiya!" Sigaw ni Alicia.

Nagkaroon sila ng simpleng salo-salo para sa selebrasyon ng promotion nya, ewan nya pero pakiramdam nya sobrang saya nya dahil ano pa bang mahihiling nya? Nariyan ang ina nya maging ang kapatid nya, hindi lamang iyon dahil nariyan din ang asawa at anak nya na syang nagbibigay ng patuloy na saya sa buhay nya.

"Mama! Proud!" Sigaw ni Acks habang tumatakbo at nag-iikot-ikot sa damuhan samantalang magkatabi silang nakaupo ni Jackson sa mahabang silya matapos ang salo-salo.

Hinawakan nya sa braso si Jackson at isinandal nya ang ulo sa balikat nito na ikinangiti ng asawa nya. "Ayos ka lang?" Tanong nito sa kanya.

"Sana ganito na lang lahat ng araw ano?" Sambit nya na di pinansin ang tanong nito.

Napabitaw sya sa pagkakahawak sa braso nito ng yakapin sya habang nakasandal ang ulo nya sa balikat nito. "Hindi man ganito ang mga darating na araw, mananatili kitang mahal fatima."

Napangiti sya ng marinig iyon. "Ganoon din ako," sang-ayon nya saka tiningnan ang maaliwalas na langit, natahimik na sila matapos iyon habang yakap sya ni Jackson at pinagmamasdan nya si Acks na naglalaro sa harap nila di kalayuan sa kinauupuan nila.

Napahiwalay lang sya ng madapa si Acks at umiyak dahil napatid sya ni Alicia na syang kalaro nito, agad namang tumayo si Jackson at nauna sa kanyang lumapit sa mga bata, sinaklolohan agad nito si Acks at itinayo saka pinagpagan kaya nanatili na lang sya sa pwesto.

Nanlaki bigla ang mga mata nya ng makatayo si Acks at suntukin si Alicia bilang ganti."Jackson!" May awtoridad sa tono ng boses na sambit ni Jackson sa pangalan ng anak, hindi nya alam kung matatawa sya dahil binanggit nito ang sariling pangalan o mag-aalala dahil parang galit na ang ekspresyon ng asawa nya.

"Hindi ba't, sinabi ko na sayong huwag kang mananakit?" Si Jackson.

"Pero p-papa, n-nisaktan n-nya a-ako!" Iyak na katwiran ni Acks.

"Hindi dahilan 'yon, mag-sorry ka kay Alicia." Utos nito.

"Papa! Nisaktan nya ako!"

"Sinaktan ka nya pero maling gumanti, mag-sorry ka."

Umiling si Acks. "Ayaw ko, nisaktan nya din po ako! Bakit ako lang mag-so-sorry?!" Ma-pride na katwiran ng anak nya.

"Pa'no sya magso-sorry sayo kung sinaktan mo sya!" Napipika ng sabi ni Jackson, mukhang naglalabanan ng sungay ang mag-ama nya at ewan nya kung bakit imbis na sawayin ang dalawa ay hinahayaan na lang nyang magtalo ang mga ito dahil nakikita naman nyang sinusubukang putulin ni Jackson ang sungay ng anak.

"Bakit gagalit ka papa?! Ako po ba mali?! Sya ang mali!" Itinuro ni Acks si Alicia na umiiyak pa din. "Sya ang mali pero sakin ka-gagalit! Sya po ba anak mo?! Papa ako anak mo po pero kakampihan mo sya!" Hinanakit ni Acks saka umiyak ulit.

Napabuntonghinga sya, mukhang magkakaroon pa ata ng samaan ng loob ang mag-ama nya pero nabigla sya ng imbis na ipilit ni Jackson ang pagsaway sa anak ay lumambot ang ekspresyon nito saka naupo na sa harap ng anak at inalo iyon.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now