CHAPTER XVII: GOALS

34 3 0
                                    

🍛🍛🍛

Pinagmasdan nya si Jackson habang hinehele ang sanggol ng makauwi sila sa bahay, humugot sya ng hininga saka bumuntonghininga at tumayo mula sa pagkakaupo. Lumapit sya sa dalawa na mukhang nag-eenjoy sa ginagawa dahil tulog na ang sanggol, marahil iyon na talaga ang panibagong simula sa buhay nya.

"Hindi ka pa ba nangangalay?" Tanong nya, agad na napatingin sa kanya ang binata at nakangiting umiling.

"Ayos lang ako, mahimbing na ang tulog nya."

"Ipaghele mo ba naman, parang hindi na nga ako kailangan e." Natatawang sabi nya.

"Mukhang may nagtatampo ah?" Birong sabi ni Jackson saka maingat na inilapag sa kuna ang sanggol bago bumaling sa kanya. "Syempre kailangan ka namin."

Pinisil nya ang pisngi ni Jackson. "Masyado mo namang sineryoso, okay lang naman."

"Okay ka na ba?" Nag-aalala na namang tanong sa kanya ni Jackson.

"Oo, medyo okay naman na ako." Kinuha nya ang nakasampay na gamit ng baby sa balikat nito. "Nga pala, naasikaso mo na 'yong enrollment mo?"

"Ahmm, about that...iniisip kong huminto muna siguro."

Napakunot ang noo nya. "Bakit naman?"

"Iniisip kong mag-ipon muna para kahit papa'no e-"

"-ayoko." Kontra nya saka naupo sa silya. "Hindi ka titigil, isang taon na lang oh tapos graduate ka na, sasayangin mo pa 'yon? Akala ko ba hindi hihinto ang lahat kahit pumayag akong magpakasal tayo?"

Napabuntonghininga si Jackson saka naupo sa tabi nya. "Fatima, kung tutuloy ako ngayong taon naiisip mo bang mas lalo tayong mahihirapan?"

"Ano namang mahirap doon? Di ba sagot pa naman nila tita ang pag-aaral mo? Bakit kailangan mong sayangin 'yon?"

"Oo nga pero kailangan kong magtrabaho, hindi na sasapat sa atin ang part time lang,"

"Edi magta-trabaho din ako."

"Fatima, kailangan ka ni baby. Hindi ka pwedeng magtrabaho."

"Hindi ko naman sya pababayaan, kaya ko 'yon."

"Pero dapat-"

"-hep!" Awat nya. "Sasabihin mong dapat ikaw ang nagta-trabaho kasi blah blah blah, oo alam ko 'yon pero hindi ngayon. Kailangan natin magtulungan, hindi maging pabigat sa isa't-isa."

Napa-face palm si Jackson. "Parang wala kang pinakinggan sa lahat ng sinabi ko."

"Basta, hindi ka hihinto." Matigas na sabi nya.

"Fatima-"

"-kapag huminto ka, hindi na tayo magpapakasal."

Napasaltak ang binata. "Bakit naman pati ang tungkol sa bagay na iyon ay damay dito?"

"Sure ka talagang sasagutin ko 'yan?"

"Fatima, naiintindihan mo ba ang sitwasyon?" Salubong na ang kilay na tanong ni Jackson. "Tingin mo ba makakasurvive tayo kung uunahin ko pa ang pag-aaral ko kaysa humanap ng trabaho? Fatima, dumoble ang gastos natin dahil sa mga kailangan ni baby na hindi na kayang sustentuhan ng simpleng part time lang."

Hindi na umimik si Faye matapos marinig iyon, pinilit nya ang sarili na huwag ng sumagot dahil kung kokontrahin pa nya ang sinasabi ni Jackson ay mauuwi lang sila sa away, hindi kasi nito maintindihan ang punto nya. Sa ganoong pagkakataon ay hinayaan na lang nya muna ito, pagsapit ng gabi matapos nyang patulugin ang baby nya ay nahiga na rin sya sa kama at hindi na nya inintay pa si Jackson dahil kausap ito ng kuya nya.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now