CHAPTER XXVII: SHOOTING STARS

32 6 0
                                    

🍛🍛🍛

Kinabukasan maaga silang gumising para mag-asikaso sa kan'ya-kan'yang responsibilidad sa buhay, s'ya sa negosyo n'ya samantalang si Jackson naman sa trabaho nito at syempre sa eskwelahan naman si Acks.  Abala s'ya sa trabaho buong araw kaya naman ni hindi n'ya namalayan ang oras, napahinto lang s'ya ng makitang pasado alas tres na at kaunting oras na lamang ay lalabas na ang anak n'ya sa eskwelahan kaya naman nagligpit na s'ya ng mga gamit n'ya. Matapos makapaghanda ay lumabas na 'sya ng office n'ya, nagbilin lang s'ya sa mga staff n'ya saka tuluyang lumabas ng shop.

Pumuwesto s'ya sa gilid ng kalsada para mag-abang ng taxi na masasakyan ng makalipas ang ilang minutong paghihintay ay may humintong kotse sa harapan n'ya, sa pag-aakalang customer iyon ay tumabi s'ya. Bumukas ang pinto at agad na nagsalubong ang mga kilay n'ya ng makilala kung sino iyon, inalis nito ang salaming suot saka bumaling sa gawi n'ya. Makita pa lamang ito ay agad ng umangat ang galit na nararamdaman n'ya para sa lalake.

Ngumiti ang matanda saka agad na lumapit sa kan'ya. "Fatima!" Bating tawag nito sa kan'ya dahilan para mapaatras sya.

"Anong ginagawa mo rito?" Naguguluhang tanong n'ya.

"Actually, I came here to invite you on dinner." Hindi pa rin nawala ang ngiti nito. "I also wanna, you know-bond with my grandson."

Hindi s'ya nakaimik dahil sa nakikitang saya sa mukha ng ama. "Sorry ngayon lang, naging abala-"

"-gan'yan ka ba talaga ka manhid?" 'Di makapaniwalang tanong n'ya, gusto n'ya mang huwag sirain ang saya nito ay hindi na n'ya mapigilan pa ang sarili.

"Ha?" Naguguluhang sambit nito.

"I get it." Napatango-tango s'ya. "Just because pumunta ako noong araw na iyon, akala mo ayos na tayo?"

"Fatima...anak..."

Tumalim ang tingin n'ya. "Huwag mo kong matawag-tawag na anak!" Pakiramdam n'ya kumakalat na ang galit na nararamdaman n'ya sa buong sistema n'ya.

"P-pero...akala ko...."

Pagak s'yang napatawa. "Pwes mali ka ng akala, just to inform you hindi ako pumunta doon para sa'yo."

"Para kay-"

"-Cornellia." Sambit n'ya. "Pumunta ako para sa kan'ya, actually buti pa nga s'ya sinusubukan n'yang makabawi kahit pa wala naman s'yang nagawang mali sa akin kahit pa pwede namang huwag n'yang gawin dahil ano bang nakuha n'ya sayo? Puro sakit lang din naman ang ibinibigay mo!"

"Fatima wala kang alam sa lahat-"

Umiling s'ya. "-hindi ko na kailangang malaman, ilang taon na ang lumipas at sapat na sa akin na malamang ni minsan sa mga taon na lumipas wala kang ginawa para magpaliwanag,"

"Kaya nga ako narito, magpapaliwanag ako!" Tumaas ang tono nito dahil sa frustration na nararamdaman dala ng katigasang ipinakikita n'ya.

"Magpapaliwanag ka," napatango s'ya. "Kung kailan huli na? Para saan? Para sa kunsensya mo? Wait, do you even have a conscience?"

"Fatima! Ama mo pa rin ako!" Babala nito, alam n'yang galit na rin ang ama n'ya dahil sa mga binibitawan n'yang salita pero wala s'yang pakealam katulad ng wala itong pakealam sa sakit na idinulot nito sa kanila ng kan'yang ina.

"Ang kapal ng mukha mong ipagdiinan sa mukha ko 'yan matapos ng ilang taon na pinabayaan mo kami! Para sabihin ko sa'yo, noong panahong iniwanan mo si inay, noong natapos ang ugnayan n'yo, natapos na rin ang pagiging ama mo sa akin at sa mga kapatid ko!"

Hindi nakagalaw ang itay n'ya dahil sa narinig, nanatili itong nakatingin sa kan'ya na para bang hindi alam kung ano ang sasabihin matapos ng mga binitawan n'yang salita. Bumuka ang bibig nito at para bang gusto n'yang hilingin na sana hindi n'ya marinig ang sasabihin nito. "Sorry..." gusto n'yang mabingi, ayaw n'yang marinig iyon pero wala s'yang magawa dahil kahit magtakip s'ya ng mga tenga ay imposibleng hindi n'ya malaman iyon.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now