CHAPTER XXXII: WISH

33 7 0
                                    

🍛🍛🍛

Hindi alam ni Faye kung ilang oras s'yang umiyak buong gabi o kung anong oras s'ya nakatulog basta't nagising lang s'ya kinabukasan ng nasa kama na, bumangon s'ya pero nanghihina ang mga tuhod n'ya para bang wala s'yang lakas at drain na drain ang buong katawan n'ya. Daig n'ya pa ang nabugbog dahil sa bigat na nararamdaman n'ya at sa patuloy na pagkirot ng puso n'ya sabayan pa ng pagsakit ng ulo n'ya dala ng kaiiyak.

"Ayos ka lang?" Bungad sa kan'ya ni Jackson ng makapasok s'ya ng kusina pero para bang wala s'yang narinig, nilampasan n'ya ito saka nag-asikasong magluto. Umagang-umaga pero pakiramdam n'ya maiiyak na naman s'ya, para s'yang lumulutang na lobo na ano mang oras ay pwedeng sumabog kapag natusok. Ganoon ang pakiramdam n'ya, parang ano mang alaala o maisip n'ya ay maaaring maging dahilan ng muli n'yang pag-iyak.

Sobrang bigat, para s'yang may bitbit na sampung sako ng bigas na hindi n'ya magawang buhatin kahit anong gawin n'ya. "Fatima, ako-"

Tiningnan n'ya si Jackson na gusto sanang akuin ang ginagawa n'ya. "-kaya ko." Matigas na sabi n'ya.

Napakunot ang noo ng asawa n'ya ng mapansin ang itsura n'ya, magang-maga ang mga mata n'ya. "Ano bang nangyari sayo?" Napahinto s'ya sa ginagawa ng marinig iyon, tiningnan n'ya si Jackson. "Bakit?" Nagtatakang tanong nito.

"May pasok ka?" Tanong n'ya rin.

Naguguluhan man sa inaasal n'ya ay tumango si Jackson. "Pero Fatima kung kailangan mo ko pwede namang hindi ako umalis." Agad na sabi nito.

"Trabaho 'yon, 'di ba?"

"Oo," lumapit si Jackson at akmang hahawakan s'ya ng umatras s'ya. "Fatima, ayos ka lang ba talaga?"

"O-oo, pagod lang siguro." Kinuha ni Jackson ang cellphone at akmang may tatawagan ng pigilan n'ya. "Huwag, a-ayos lang ako."

"Sigurado ka?" Nagdududang tanong ni Jackson.

Pinilit n'yang ngumiti. "Oo,"

Bumuntonghininga si Jackson. "Okay." Sabi nito at hinayaan na s'ya.

Pinilit n'ya, pinilit ni Faye ng husto na maging ayos dahil alam n'yang hindi dapat maapektuhan ang pamilya n'ya sa nararamdaman n'yang sakit. Hindi n'ya maintindihan kung bakit ganoon na lamang kasakit para sa kan'ya ang mga nangyari, dapat ay hindi na s'ya maaapektuhan no'n dahil ilang taon na ang nakalipas. Dapat ay ayos na s'ya pero para bang hirap na hirap s'ya ngayon.

Buong araw s'yang lutang ni hindi makapag-focus sa ginagawa, maging sa pagkain ay para bang halos hindi n'ya magawang lumunok ng maayos dahil kahit anong gawin n'ya nauuwi s'ya sa pag-iyak. Napakaraming umiikot sa isipan n'ya samahan pa ng pagtawag ni Miriam kaninang tanghali na nakadagdag sa iniisip n'ya kaya ngayon heto at wala na s'yang maintindihan sa lahat ng nangyayari sa kan'ya pakiramdam n'ya mulat nga ang mga mata n'ya pero gusto ng bumigay ng puso n'ya sa sobrang sakit na nararamdaman.

"How's your day?" Napakurap-kurap s'ya ng marinig iyon saka n'ya lang napansin na yakap na pala s'ya ni Jackson mula sa likod n'ya.

"Nand'yan ka na pala." Humarap s'ya. "Ayos lang, ikaw?"

Matagal s'yang pinagmasdan ni Jackson bago umimik. "Faye,"

"Hmmm?"

"Ano ba talagang nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong nito.

"Wala," ngumiti s'ya. "Medyo distracted lang."

"Huwag mo kong ngitian, alam kong hindi ka okay. Kaninang umaga ka pa gan'yan."

"Ayos lang ako, promise. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa, saluhan mo ko?"

Tumango si Faye. "Sure, maghahain lang ako. Magpalit ka na."

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now