CHAPTER IX: SCARED

51 12 0
                                    

🍛🍛🍛

Katulad ng inaasahan, paggising nya kinabukasan ay walang naaalala si Vladimir sa kung ano man ang naganap ng gabing iyon nagtaka pa nga ito ng makita ang pwesto nila sa pagtulog. Inaasahan na iyon ni Faye ngunit pakiramdam nya pa rin ay na-disappoint sya at nanghinayang dahil aminin man nya o hindi, importante sa kanya ang naganap.

"Tahimik ka," panimulang puna ni Vladimir sa kanya. "May nagawa ba ako kagabi?"

Umiling lang sya bilang sagot, hindi nya alam pero tinatamad talaga sya para bang nawalan sya ng gana. "Galit ka?" Di pa rin mapanatag na tanong ni Vladimir sa kanya.

"Vlad," napabuntonghininga sya. "Wag mo kong intindihin pwede? Wala lang ako sa mood." Sambit nya saka binitbit ang hinahalo at pumasok sa kusina para dumiretso na sa pagluluto.

Lumilipad ang isip nya, alam nya iyon sapagkat makailang-ulit syang napaso sa ginagawa. Tuloy ay nagalit na si Vladimir at kinuha na sa kanya iyon, gumawa na lang sya ng ibang bagay. Inisip nyang tahiin na lang 'yong damit nyang sumabit sa sampayan at nagkaroon ng maliit na butas pero maging iyon ay palpak, natapos nya man ay nagdugo na ang dalawang daliri nya dahil makailang-ulit nyang natusok ng karayom.

Napabuntonghininga sya at akmang aakyat na sa taas ng sabihin ni Vladimir na kakain na sila, sumunod na lang sya at tinulungan itong maghain, kumain sila ng tahimik, sa sobrang tahimik ay huni ng ibon na lang ang naririnig. Matapos kumain ay gumayak na sila para umalis, sya pupunta ng eskwelahan samantalang papasok naman sa trabaho si Vladimir, gabi na ng muli silang nagkita ng sunduin sya nito.

"Hi," nakangiting bati nito kaya naman ngumiti din sya saka pumasok sa kotse ng pagbuksan sya ng pinto.

Bago pa makapagsalita ang binata ay isinandal nya ang ulo sa bintana at ipinikit ang mga mata, hindi nya alam pero pagod na pagod sya na para bang inubos ng mga ginawa nya ang lakas nya. Tumunog ang cellphone nya, tinatamad na kinuha nya iyon sa bag at napatuwid ng upo ng makita kung sino iyon, agad na nagbago ang mood nya dahil doon.

"Hi, hello!" Masayang bati nya pagkasagot ng tawag, ramdam nyang napatingin pa sa kanya si Vladimir ng marinig iyon.

["Hey, kamusta ka?"]

Napasimangot sya saka bumalik sa pagkakasandal sa bintana. "Hindi okay, nakakapagod. Ikaw?"

["Ayos naman, sila Miriam?"]

"Ayos lang din, kailan ka ba babalik?"

["Secret."]

"Hindi mo ba kami na-mi-miss? Di mo ko miss?"

Napatawa ang kausap nya. ["Syempre miss, oh sige para matahimik ka na tulungan mo na lang ako."]

"Sure! Anong gagawin?"

["Malapit na graduation di ba? Alam mo namang gusto ko pa rin si Miriam, tulungan mo kong i-surprise sya."]

Nag-beam sya dahil sa excitement at napangiti. "Omyghad! Jack until now?!" Hiyaw nya, nauwi ang tawag sa medyo mahaba-habang kwentuhan hanggang sa mapansin na malapit na sila sa kubo. "Oh, sya kahit ang corny ng naisip mo, susubukan ko makakaya ko ha. Pano need ko na umalis, malapit na ko sa bahay. Ingat ka dyan, and please 'yong chocolates ko wag mong kalimutan." Tumawa lang ang kausap nya at nagpaalam na rin sakto namang huminto na ang sasakyan, bumaba si Vladimir kaya ganoon na din ang ginawa nya. Muntik pa syang mapasigaw ng mapamali sya ng apak buti na lang at agad syang nasalo ng binata dahil kung hindi plakda sya sa lupa.

"Ayos ka lang?" Tanong nito ng maibaba sya.

Tumango sya at agad na humiwalay. "Oo," tipid na sabi nya.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now