CHAPTER XXII: SWEETS

36 5 0
                                    

🍛🍛🍛

"Morning," inaantok pang bati nya ng maramdaman ang paghalik nito sa leeg nya habang yakap sya, umagang-umaga. Tinapik nya ang likod ni Jackson para huminto na. "Maaga ang pasok ko," paalala nya kaya binitawan na sya ng asawa.

Inaantok na naupo sya at inayos ang tali ng buhok nya habang nagtakip naman ng unan si Jackson sa mukha, matapos magtali ng buhok ay lumapit sya sa asawa saka iniangat ang unan na nakatakip at hinalikan ang labi nito. "Maaga rin ang pasok mo, bangon na." Paalala nya ng bumitaw sya.

Tumayo sya saka balewalang naglakad palabas ng kwarto kahit pa nakasuot lang sya ng shirt ni Jackson, napatingin sya sa kalendaryo ng mapansin ang buwan na nakasulat doon, august na naman.

Dumiretso sya sa kusina at nag-toothbrush saka nagsaing, ilang buwan na rin naman ang dumaan mula ng araw na iyon at bawat isa sa buwang dumaan ay nakita nya kung paano nagbago si Jackson.

"Susunduin kita mamaya, wife." Sambit ni Jackson habang nakayakap sa bewang nya ng ihatid sya nito sa trabaho.

Ngumiti sya. "Oo naman," sang-ayon nya at nagpaalam na sila sa isa't-isa, napailing-iling na lang sya habang naglalakad papasok dahil palagi itong ganoon sa lumipas na mga buwan, lagi itong nagpapaalala na susunduin sya pagkatapos ng trabaho nya.

"Hi!" Nakangiting bati nito sa kanya ng sumapit ang tapos ng trabaho nya, hindi na inantay ni Jackson na makalapit sya at sinalubong na agad sya. Kinuha nito ang bag nya saka hinalikan sya sa labi at ibinigay ang tatlong pirasong bulaklak na hawak nito.

"Malapit na akong makapagpatayo ng sariling flower shop sa dami." Natatawang sabi nya, paano'y araw-araw sya nitong binibigyan ng tatlong piraso ng bulaklak na paborito nya.

Hinawakan ni Jackson ang kamay nya ng magsimula silang maglakad. "Let's have a date, wife."

Napakunot ang noo nya. "Gabi na, sarado na lahat. Saan naman?"

Nginitian lang sya ni Jackson, hanggang sa makarating sa elevator sa unit ay napapakunot ang noo nya dahil sa sinabi nito. Nagtataka sya kung saan ba ang sinasabi nitong magdi-date sila pero napangiti na lang sya ng pagpasok sa unit ay nakita nya ang animo'y bahay-bahayan na naka-set up sa sala.

"Ginawa mo 'to?" Di makapaniwalang tanong nya, proud na ngumiti saka tumango naman si Jackson bilang sagot. Pinisil nya ang pisngi ng asawa. "Nanggaling ka na pala dito bago mo ko sunduin?"

"Yup, inayos ko muna lahat bago ka sinundo."

"So....dito tayo magdi-date?"

"Yes....kung ayos lang sayo...since wala ng bukas na-"

"-nagustuhan ko," nakangiti ng putol nya sa sinasabi nito. "Bihis lang ako ng pantulog."

"Sigi." Sang-ayon nito at binitawan na sya, pumasok sya sa kwarto at kumuha ng damit, dumiretso sya sa banyo tapos nag-half bath at paglabas nya lumapit sya kay Jackson at naki-tabi sa loob ng ginawa nitong bahay-bahayan nilang dalawa, nakaupo sila sa mattress habang may kumot na nakapormang triangle na nagsisilbing bubong kuno ng bahay, may ilang unan din sa loob samantalang nasa harap naman nila mismo ang laptop at bowls na may lamang snacks maging ang drinks na nasa cooler na maliit sa gilid nila. Patay ang ilaw sa buong unit at ang nagsisilbing ilaw nila ay ang string lights na nakasabit sa kisame maging ang nakalatag sa palibot ng bahay-bahayan.

Nakisilip sya sa ginagawa nito sa laptop habang tinutuyo ang buhok nya, napangiti na lang sya ng makita kung ano iyon, pinipili na nito ang panonoorin nila at lahat ng iyon ay base sa genre na paborito nya. Nag-play ito ng isa at nagsimula na silang manood, inihinto na nya ang pagtutuyo sa buhok ng yakapin sya ni Jackson. Isinandal nya ang sarili sa asawa habang yakap sya nito, hawak naman nya ang bowl ng chips habang nanonood sila.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now