First Page

4.1K 56 7
                                    

The first time I saw Fabella Hospital, ang una kong nasabi sa sarili ko, "My, God! Dito nga ba ako ipinanganak sa ospital na ito?" Kasabay niyon ay naramdaman ko ang paglukob ng init sa buo kong pagkatao.

Fabella was old, natatanggal na ang pintura at kung maselan ka ay hindi mo siguro gugustuhing ma-confine doon. But what the heck? Ang ospital na iyon ay naging saksi sa pagsilang ng mga batang marahil ngayon ay mga guro na, inhinyero, negosyante, pulitiko.

Manunulat na kagaya ko.

Pero hindi ako nagpunta ng Fabella para magpagamot o mangailangan ng anumang serbisyong medikal na ipinagkakaloob nila.

I went there to trace my root. To know my real self my identity. I was looking for a piece of me. Ni hindi ko alam kung ano ang pangalan ng babaeng nagluwal sa akin. Ang walang kuwentang lalaking kasama niyang bumuo sa akin ay may napakagandang alibi: hindi na raw niya matandaan ang pangalan ng aking ina.

Sa nakalipas na ilang buwan ay sinikap kong malaman ang kanyang pangalan. At doon nga ako inihatid ng aking mga paa sa Fabella. Pero hindi ko pa rin tiyak kung doon nga ang lugar ng aking kapanganakan, kung November 27, 1972 nga ang petsa ng aking pagsilang.

But still, I took a chance. Sa tulong ng mabait na staff ng Fabella ay inisa-isa ko ang kanilang records. Kahit alam kong hindi ko makikita ang pangalan ng aking biological father sa record ng mga legitimate child na ipinanganak sa
petsang iyon ay nagbaka-sakali ako.

Noong November 27, 1972, sa record ng mga illegitimate child, tatlong mga ing ang nanganak ng mga sanggol na babae. From what l've gathered, ang aking biological mother daw ay isang Bicolana, nag-aral sa UE, kung saan doon sila nagkakilala ng aking biological father. Nang ipanganak niya ako ay dinala niya ako sa Apt. #21 Zambales St., Cubao, QC. at iniwan sa mga kamag-anak ng
aking biological father.

Marami ang nangyari pagkatapos niyon. Lumaki ako sa piling ng aking mga nakilalang magulang. Mabait na mag-asawang hinding-hindi ko ipagpapalit kahit na kanino. Dalawang taong pinakamamahal ko sa buhay.

Nagkaroon ako ng identity sa isang bagong pangalan. Ni hindi ko alam kung ano ang totoo, kung sa anong pangalan ako unang inirehistro.

Ang sabi nila'y binalikan pa raw ako ng aking biological mother sa Cubao pero wala na ako roon. Hindi ko alam kung pagkatapos niyon ay hinanap pa niya ako, o kung hanggang ngayo'y hinahanap niya ako. Ang importante sa akin,
binalikan niya akong minsan at hindi tuluyang tinalikuran. Pero dahil sa mga pangyayari, hindi nga kami nagkita.

Years passed. Ngayon ay mayroon na rin akong sariling pamilya. Naranasan ko na rin kung paanong maging isang ina. At alam ko, napakasakit para sa isang ina ang mawalay sa kanyang anak. Isang bagay na ayaw kong mangyari sa akin.

Kaya nang malaman ko ang katotohanan sa aking pagkatao ay nagsimula akong gumawa ng hakbang sa sarili kong paraan. Nagsimula akong mag-tanong-tanong.

Sa aking paghahanap sa tatlong babaeng nanganak noon sa Fabella ay nalaman kong ang isa sa kanila, a certain Lorreta Petrache, is a Bicolana. Pero hindi pa rin iyon sapat na dahilan para masabi kong siya na nga ang aking ina.

Ngayon, patuloy ako sa paghahanap. At kung ang kuwento ng isang Lorreta Petrache ay nahahawig sa aking kuwento, baka nga siya na ang bahaging matagal ko nang hinahanap upang maging buo na rin sa wakas ang puzzle sa buhay ko.

So, please, if you're out there... if someone out there knows her story, please let me know. I know that God moves in mysterious ways. I'm one of those waiting for a miracle.

AMANDA

GEMS 8: My Husband's WeddingOù les histoires vivent. Découvrez maintenant