Prologue

75.1K 597 25
                                    

Sisimulan ko itong kwento na ito sa pagke-kwento ko ng ibang kwento.

Si Girl at boy may cliche na LOVE STORY.

Na-meet ni Girl si Boy sa isang place.

And it all Started with a Hi and then replied with a Hello.

Sino mag-aakala na sa simpleng salita na ito magsisimula ang lahat?

And then they discover each other's strengths and weaknesses.

Sa nalaman nilang ito they didn't know they are falling for each other.

And then it came niligawan ni Boy si Girl.

And after a Month sinagot ni Girl si Boy.

They were so inlove with each other. Baliw na baliw sa isa't-isa.

Inseperable ika nga.

then sa udyok ng tadhana they make a sweet mistake. A very sweet Mistake that leads them to be not together. Why?

Kasi hindi handa si Boy sa responsibility. Yeah right nabuntis si girl.

Oo mahal ni Boy si Girl pero hindi kasing lalim ng pagmamahal ni Girl kay Boy.

Pinilit ni Boy na ipalaglag ang baby. Humindi si Girl dahil kahit anong mangyari alam niya mahal niya na yung baby nila. At kahit na magkahiwalay pa sila ni Boy eh bubuhayin niya yung baby. Kahit na anong mang-yari.

And that leads the boy with no CHOICE but to leave her beacause he dont want to take the responsibility.

Wala nga ba talagang CHOICE? He can be there for her all the way hanggang sa manganak ito. Pwede siyang mag-stay wala naman nagpapaalis sa kanya but he choose the wrong decision a VERY WRONG DECISION that leads to TRAGIC.

pero ang sabi nila there is always a RAINBOW after the RAIN.

The Girl stayed Positive and endure all the pain.

Ngayon na ang oras na ipapanganak niya yung Baby niya.

"Doc, doc ! emergency po manganganak na yung ate ko!" Sigaw ng isang babae.

Agad naman binitbit yung babae sa emergency room.

kinakabahan yung babae hindi niya alam kung ano ng gagawin kaya tinawagan niya kaagad ang mama niya para ipaalam na manganganak na yung ate. After an hour nagsidatingan na ang mga kapamilya.

Lumabas yung doctor sa Emergency room.

"Sino po ang asawa?" tanong agad ng doctor. Nagsitinginan sila sa isa't-isa hindi alam kung ano isasagot at kung sino ang sasagot. Naging matapang ang babae at sinagot ang tanong ng Doctor.

"Uhh Doc wala po eh" nahihiyang sabi nung babae.

"O sige sino ang kapamilya?"tanong naman doctor at Nagsitaasannaman sila lahat dun ng kamay.

"Okay so lahat naman po pala kayo eh kapamilya sainyo ko na po sasabihin lahat. Kailangan niyo po mamili kung yung baby ba o si Mrs. Del Rosario ang bubuhayin namin. This is very complicated dahil nahihirapan siya ilabas yung bata mauubousan siya ng dugo kung ipipilit niya na ilabas yung baby." Mahabang paliwanag ng Doctor Ang nanay ng babae ay umiyak na hindi na siguro nito kinaya ang sobrant tensiyon. Yakap-yakap naman ito ng asawa nito. Ang babae ulit ang naglakas loob na nagsalita.

"Doc just please please save them Both Please. Nagmamakaawa ako sa inyo iligtas niyo silang dalawa kahit lahat ng pera namin ibibigay namin sayo basta Doc please lang huwag mong hahayaan na mawala ni isa man lang sa kanila." Pagmamaka-awa ng babae duon sa doctor.

"I'll try Miss. Ang kailangan niyo na lang po gawin ay ang manalig sa diyos na magkaroon ng Himala" At pumasok na ang doctor sa loob ng emergency room. Walang sinuman ang umiimik sa kanila lahat sila naghihintay sa anong mangyayari kung anong balita sa loob ng emergency room.

Pag lipas ng mahigit na isang oras lumabas muli ang Doctor. Hindi mabasa kung anong emosyon ang mayroon dito.

"I'm Sorry we tried our very best to save them both but we only saved the Child. Hindi na kinaya ng Pasyente." Hinging paumanhin ng Doctor at umalis na. Pero bago ito umalis lumingon muna ito sa babae at sinabing kailangan siya nitong maka-usap ng pribado. kaya nagtungo sila sa opisina nito.

"Hello Miss?" Panimula nung Doctor.

"Miss Del Rosario and My ate is also still a Miss"

"I'm Sorry about that. By the way Ang sabi ng ate mo sa akin ay sabihin ko sa iyo ito sa iyo lang daw." tumango naman ang babae at nakinig sa sasabihin ng Doctor sa kanya.

" You know what . Tinanong ko din siya kung sino ang bubuhayin and she said yung baby daw. okay na daw yung 22 years niya dito sa mundo nagawa niya na daw ang dapat niyang gawin but the baby, kung pipilitin niyang mabuhay, yung baby na yun hindi man lang mararanasan kung gano kasaya mabuhay sa mundo na tin. She will never experience it. Ang gusto ng ate mo na ikaw ang tumayong magulang ng anak niya give her all the love she can't give. Kasi hindi na pwede. I admire the braveness of your Ate. Walang pag-aalinlangan niyang pinili yung anak niya na mabuhay. It is all in your hands now nasa sa iyo na ang kapalaran ng bata. Huwag lang sana masasayang ang pagsasakripisyo ng Ate mo."

"Thank you Doc" at umalis na yung babae dun sa opisina ng Doctor dahil hindi niya na kinaya.

How IRONY life is..

May dumadarating..

May nawawala..

And at that Moment of Time ipinangako ng babae sa sarili na siya ang mag-aalaga sa anak ng ate niya. Ituturing niya itong kanya but still ike-kwento niya pa rin dito ang kwento ng Mommy at Daddy niya. In the right time...

"Hi Baby Sophie I call you that. Sophie Margareth Del Rosario" Sabi ng babae na hawak-hawak ang Angel. Sa pagkkatanda niya ito ang gusto ipangalan ng ate niya dito habang ipinagbubuntis nito ang bata.

At alam niyo ba kung sino yung babaeng yun? AKO po yun at ito ang story ng Buhay ko kasama si Baby Sophie...

--------------

(a/n): Hahahaha Hi guys ! :) Akalain niyo yun kung kailan nasa Chapter Nine na ako eh dun ko lang naisipan na mag-sulat ng Prologue nito hahahaha. Sorry shunga-shunga author niyo eh. Sorry tama ba yung pinaglalagay ko sa Prologue para Prequel siya hahaha! Ang haba pinigilan ko na nga lang yung sarili ko eh. Baka kasi mag muhka siyang book 1 nitong main story hahaha. O'sya paalam na po mga mahal kong Readers I love you po.

I am a Virgin MommyWhere stories live. Discover now