Chapter Twenty-One

18.8K 245 10
                                    

Maraiah's POV

Napaka daya nung lalaking iyon sukat akalain mo ba naman na iwan ako dito sa may garden? Sabi niya sasabihin niya sa akin kung sino siya pero ano na ngayon? Nag dis-appear siya na parang si Cinderella. Ang pinag-kaiba nga lang siya lalaki si Cinderella babae. At kung peg niya rin lang naman na maging si Cinderella dapat nilubos-lubos niya na rin sana iniwan niya yung leather shoes niya! Edi sana may chance pa akong  makilala kung sino siya. Yan ang mahirap sa mga lalaki eh paasa sa mga katulad kong babae. 'Umasa ka? Gusto mo siya agad agad?' Shut up hindi kita kausap.

Tinamad na akong bumalik sa loob wala naman akong kausap doon busy pa si Diana magpanggap na deeply truly madly inlove siya sa fiancee niya eh. Umuwi na lang kaya ako? Tutal baka hinihintay pa ako ni Sophie naku kulang nanaman iyon sa tulog baka hindi na lumaki patay tayo diyan.

Bumalik na ako sa loob para magpaalam kay Diana na uuwi na ako. Mahirap ng maging missing in action baka magtampo si Bestfriend. Pagkapasok nila sa loob nagbibilang sila pero hindi ko alam kung para saan. Para hindi halata na hindi ako aware sa nangyayari sa paligid ko naki-gaya na lang ako sa kanila.

10..

9..

8..

7..

6..

5..

4..

3..

2..

1..

And then they take off their masks. Nakigaya na lang ako sa kanila tinanggal ko rin yung sa akin. Lumingon ako sa kanan at kaliwa para tignan ang mga muhka ng mga taong nandirito sa party. Akalain mo yun karamihan ng nandito ay a kakilala ko rin bakit hindi ko napansin yun? Napadako naman ang tingin ko sa isang lalaki na nakatalikod nasa may bandang kanan siya sa sulok ng kuwarto na ito.

Teka, Siya yun! Yung lalaking kasayaw ko! pano ko nalaman? simple lang kaparehas ng suit as in parehas na parehas. Pero parang lumiit siya. Oh nevermind agad na nilapitan ko yung lalaki.. Nasa likod niya na ako ang the scent its the same. Now I am really sure that the guy I danced with was the same guys I'm facing right now.

I am a Virgin MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon