Chapter Thirty-Three

14.1K 234 34
                                    

Maraiah's pov

Maghapon lang ako naka-upo ngayon sa swivel chair ko. Wala na kaming masyadong ginagawa dahil plantsado na ang lahat ang kailangan na lang ay mag pahinga at magpa-ganda bukas. Oo bukas na ang bilis ano? Bukas na kasi yung welcome party para sa second major stock holder pati na rin sa merging sa company nila. Bigla na lang bumukas yung pintuan ko buti na lang wala akong heart attack naku sasabunutan ko talaga itong babae na ito hindi marunong kumatok.

"Bes! Tignan mo. Tignan mo!," sabi ng secretary ko 'na parang hindi naman' sa akin papasok sa loob ng opisina ko may hawak siyang tabloid. Inilapag niya yung tabloid sa may desk ko. Ay galit lang?

Tinignan ko naman yung tabloid, may picture doon lalaki at babae na magkayakap habang nagki-kiss, Oh anong meron naiinggit siya? Gumagana nanaman ang pagka-bitter nito, nakakain siguro ng ampalaya.

"Oh anong ikinapuputok ng butchi mo dyan?" tanong ko sakanya kasi hindi ko naman talaga mawari kung saan siya naiinis. Tapos ang bakla inirapan ako.

"Hay nako bulag ito oh! ito," Sabi niya habang tinuturo yung picture na may lalaki at babae na naglalampungan. Owkay?

"Naiinggit ka ba?" tanong ko sakanya.

"Hindi no!" sabi niya at umiwas ng tingin sa akin. "Tignan mo kasing mabuti!" dagdag niya pa. Ako naman itong masunurin at tinitigan yung picture.

"Holy Mother of cats and dogs" nabulalas ko pano ba naman kasi namuhkaan ko na yung lalaki.

"Hayop na lalaking yan may pa I like you I like you pa siya sa akin kagabi tapos sabi pa niya lets try it. Buti na lang talaga hindi ako sumang-ayon sa gusto niya." litanya niya. teka teka parang wala akong alam sa mga pinagsasabi nito ah.

"Oy teka ikwento mo yan ano nangyari at bakit may kahalikan si Ian Sandoval dito na fiancee mo?" Tanong ko sakanya. Hala ang babae umiiyak.

"*Huk* Kasi sabi niya i-try daw namin mag work yung relationship namin para daw di na mahirap pag kinasal na kami. *Huk* Ang sweet sweet niya pa nga sa akin nung mga nakaraang dates namin na inayos ni Daddy. Tapos ito! *Huk* ito pala yung pinagkaka-abalahan niya this past few weeks! kaya pala *Huk* hindi siya nagpaparamdam sakin kasi may hipon siyang kasama. Teka bat ba ako umiiyak eh hindi ko naman siya *Huk* gusto?" Deny deny pa siya eh inlababo na siya dun sa playboy.

I am a Virgin MommyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt