Chapter Thirty-Four

13.3K 244 37
                                    

Tekaa! May itatanong muna ako gagawan ko ba ito ng side story or what? Yung kwento ni Diana idadagdag ko na lang ba dito?~ Hindi niyo kasi binabasa yung A/n ko *hurt* *hurt*.



Maraiah's POV


 Maghapon lang ako nagkulong sa kwarto ko pagka-uwi ko galing sa condo ni Angelo. Hindi niya ako sinundan, masakit oo pero yun naan yung gusto ko diba? Kung papipiliin ako sa kanilang dalawa ni Sofie, hindi ako magdadalawang isip si Sofie ang pipiliin ko. Sabihin man na sobra akong masasaktan at baka magsisi din ako sa bandang huli I would not change my answer I will still pick her over everything.


Hindi ako excited, hindi rin ako malungkot normal lang parang wala lang akong nararamdaman. Ni hindi ako kinakabahan kung ano bang mangyayari mamaya sa party. Kung magkakaroon ba ng aberya o kahit ano kasi alam ko na plantsado na ito matagal na. Ilang araw ba naman kami nag-overtime para lang matapos ito. 


Bongga ang preperasyon sa party na ito dahil importanteng tao ang sasalubungin namin. Ni-isa sa amin ay hindi kilala kung sino man ito tanging si Daddy at tito Johnny lang ang nakaka-kilala sa kanya. Kahit sa akin ayaw sabihin nila Daddy, hindi ko alam kung bakit pero hindi na ako nagtanong pa.


Ang tanging alam ko lang sakanya ay Inaanak siya ni Tito Johnny. Naghahanda na ako para sa party mamaya nandito na rin  yung make-up artist ko.Yung gown na susuotin ko ay cream ang kulay kay Sofie naman ay pink na may details na kulay blue knee length lang yung sakanya yung akin ay floor-length.


Sina Mommy at Daddy ay nag-aayos na rin para sa Party mamaya aattend din si Ate Annie kasama yung asawa niya doon. Si Ivan sabi niya susunod daw siya may susunduin pa daw kasi siya siguro may date yun. Kompleto sana kami  ngayong araw kung hindi lang... Ayoko na ulit isipin iyon dahil nalulungkot lang ako lalo.


"Madam, I-close mo ang eyes mo lalagyan kita ng eye-liner dali." Nakalimutan kong banggitin na bakla ang Make-up artist ko. Magaling siya kaya palagi siya ang kinukuha ko. Gusto ko ang pagme-make up niya sa akin kasi light lang palagi. Ni-recommend siya sa akin ni Diana.


"Ayan madam perfect ang ganda ganda mo talaga!" at nagtitili siya habang nilalagyan pa ako ng blush-on.


"Ito na last na ma'am yung lipstick." Tumingala ako sakanya para hindi siya mahirapan na lagyan ako ng lipstick.


"Kaya gustong gusto kita ayusan madam eh Dyosang-dyosa ang beauty mo manang mana sa akin. Ang Reyna ng mga dyosa" sabi niya at umikot ikot pa siya na parang fairy god mother. Ngumiti lang ako sakanya.


"Madam! Ang panget mo mag smile may problema ka ba? Hay nako wag mo muna isipin yun nasisira ang beauty mo." Am I that transparent? Bakit alam niyang may pinoprobema ako?


"Thank you Beauty." yes. His name is beauty. Ang totoo niyan ay Rodolfo Agustin Jr. Kaso sabi niya ang bantot daw ng name niya kaya beauty na lang daw ang itawag ko sakanya. Beautiful naman daw kasi siya. Truth indeed kailangan mo muna siyang titigan para malaman mo kung ano ang totoo niyang gender cause she really looked like a girl in first looked. Head turner din itong bakla na ito wag kayo.


Naikwento niya sa akin na nanalo na daw siya sa mga gay contest. Tapos yung mga napalanuhan niya inipon niya at nagpagawa ng salon na kabuhayan niya na ngayon. Saludo ako sa mga taong kagaya niya na kayabg umahon sa kahirapan kahit na madaming humahadlang.


"Halata ba masyado?" I ask him.


"Oo madam nako pumapangit ka. Basta wag mo muna isipin iyang problema mo. Dapat maganda ka sa party!" I smiled at him yung totoo na hindi yung pilit. Yung ngiting umaabot na hanggang sa mga mata ko.


I am a Virgin MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon