Chapter Thirty-eight

5.2K 115 57
                                    

Kanina pa tuliro si Maraiah kahit pa kasama niya sa dalampasigan ang mga empleyado ng kumpanya nila. Kanina pa niya iniisip ang tumawag sa kanyang babae dahil pamilyar ang tono ng boses nito. Hindi niya alam kung kakabahan ba siya sa mga banta nito o hindi dahil as for now wala pa naman ginagawa yung babae na ikakapahamak ng anak niya. Di rin naman napapansin ng kanyang mga kasama na lumilipad ang isip niya dahil may mga sarili itong mundo at nag eenjoy sa kanya kanyang ginagawa. Ang kaibigan niya namang si Dee ay nagmumukmok raw sa kwarto ayon kay Ian, muhkang nagkasagutan muli ang dalawa pero di naman gawain ng bestfriend nya ang magpatalo sa mga nakakasagutan nito. Si Dee yata ang totoong amazona sa kanilang dalawa mas tame pa ang kanya kumpara sa best friend.

"Anong iniisip mo baby?" ani ni Angelo di niya napansin dahil nagmula ito sa kanyang likuran.

"Bakit ko naman sasabihin sayo close ba tayo?" 

"ito naman gaano ba close ang gusto mo, ganito?" at inilapit nito ang muhka kay Maraiah. Napaatras naman si Maraiah pero hindi nakalayo masyado dahil hinawakan ni Angelo ang batok nya.

"Ano ba lumayo ka nga" at tinulak nito ang muhka ni Angelo

"ano ba kase yang iniisip mo?"

"Uy sir tara sali kayo sa amin ni ma'am" singit sa kanilang dalawa ng isang empleyado

Naglalaro kse ang mga ito ng uno cards, ewan ba naman niya sa mga ito kung kailan nasa beach ay staka naman nag laro ng uno pwede naman beach volleyball or lumangoy. Mamaya pa kase ang pinaka team building nila nag papalipas oras lang ang iba sa mga empleyado rito sa isang malaking kubo na may aircon o di ba sosyal na kubo.

"O sige sali kami dyan" at game na game itong hinila si Aya sa upuan na binakante ng dalawang empleyado. Pinagbigyan niya na rin na sumali sa mga ito para mawala sa isip niya ang kanina pang iniisip.

"Ano ba yan kanina pa tayo naglalaro nito hindi mo pa rin gets?" sabay tawa ng malakas ni Aya dahil pag naglalaro sila ito palagi ang may pinakamaraming cards na natitira. Di nya alam kung sinasadya ba nito na magpatalo o di talaga magaling maka pick up nung laro. Kakamot kamot lang sa ulo si Angelo na may maliit na ngiti sa muhka.

"Ayoko na kanina pa tayo rito malapit na rin mag hapon come on let's swim" aya sa kanya ni Angelo. Nag patianod na lang siya sa pag hila nito. Para nga silang mga siraulo kase huling pagkikita nila bago ang party ay nagkasagutan sila ngayon naman parang walang nangyare.

"Ikaw na lang ang lumangoy dito nalang ako Angelo" di rin kase siya naka bihis ng panligo at ayaw niya naman suotin yung dala nyang swimsuit nakakahiya kaya staka ang daming tao sa paligid ng pool halos puro empleyado rin. Oo nasa pool sila ng hotel and resort nila Angelo. Pwede naman itong sa beach maligo pero sobrang init pa kaya siguro napili nitong dito sya hilahin. Dito kasi sa pool eh nahaharangan ang sinag ng araw ng malaking building ng hotel.

Sobra rin siyang namangha sa pagka modern ng style ng hotel nila Angelo sigurado syang tataas ang sales nito katulad ng mga iba pang chains ng hotel and resort nila Angelo na nasa palawan, cebu at iba pa. Nalaman ko kasi kina mom na maraming chains ng hotel ang pamilya nila Angelo.

"Sama ka na sa amin mag swim gurl di naman ainit" biglang sulpot ni Dee

"Saan ka galing? Bakit nandito ka?"

"Nagtext si Angelo nag aaya mag swim ksama ko din sila Ian ayun o" sabay turo nito di kalayuan sa kanila. At totoo nga nandun sila Ian, Kobe, Kris at Brixter. Nakilala nya to isa isa nagpakilala na rin sakanya ang mga ito kaya hindi na sya nang huhula tanging si Ian lang naman kse ang kilala nya.

"Sakto bes dala dala ko na yung swimsuit mo tara na magpalit ka na" Ayaw pa sana niya maligo kase naiilang siya kung sila lang ni Angelo pero dahil kasama na nila ang iba pa ay okay na sakanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I am a Virgin MommyWhere stories live. Discover now