Chapter Five

24K 323 11
                                    

Maraiah's POV

Nagising ako dahil feeling ko may nakatitig sakin. Nang binuksan ko yung mga mata ko hindi nga ako nagkamali kasi nakikita ko si Angelo sa harapan ko as in 1 inch na lamang ang pagitan namin.

Tinititigan niya lang ako sa mga mata tapos biglang bumaba yung tingin niya sa mga labi ko. Hindi naman ako tanga para hindi malaman na gusto niya akong halikan. Pero kasi.. bakit niya pala ako hahalikan? Pakshet Iko-close ko na ba yung mga mata ko?

Bakit ako nagiging ignorante pag malapit siya? Alam ko naman ang ginagawa ng naghahalikan siyempre dapat naka-pikit kayong dalawa kaso pag pinikit ko ito baka sabihin niyang feeling naman ako masyado na hahalikan niya ako. masyado na bang cliche?

Naitulak ko tuloy yung pagmumuka niya gamit ang buong palad ko. Tapos umupo ako ng maayos pero hindi ko parin tinatanggal yung kamay ko sa muka niya.

"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko sakanya. Ay tanga ka Aya bat mo tinatanong sa kanya ang obvious?

"HmmdiHMMbaohbius" Hindi ko siya maintindihan.

"Huh. ano ulit yon" Tapos bigla na lang nila dinilaan yungg kamay ko eeew. May laway pa yun nakakadiri siya gwapo sana kaso dugyot.

"Bakit mo dinilaan ang kamay ko? Arrrgh nakakainis" Tapos inamoy ko infairness mabango.

"Mabango ba?" Pano niya nalaman na mabango yung laway niya?

"Hindi ang baho kadiri kang lalaki ka!" sumbat ko sakanya siyempre di ko sasabihin na mabango ano ako hilo.

"Sus ayaw pa aminin." Tapos ngumiti siya na parang buking na buking niya na ako na nagsisinungaling ako. Okay Fine mabango na pero hindi ko sasabihin sa kanya iyon over my dead super duper supahlicious sexy body. Ako lang meron niyan Mehehe.

"Ano bang ginagawa mo at ang lapit ng muka mo sa muka ko haa" Ulit na tanong ko. Baka kasi mawala kami sa topic kasi ginuggulo niya ang utak ko.

I am a Virgin MommyWhere stories live. Discover now