Chapter Twenty-Four

17.9K 273 15
                                    

Maraiah's POV


Nagsisisi talaga ako sa nasabi ko kay Angelo. /kung dati araw-araw siya nandito sa bahay namin ngayon wala na. Kinokonsensya na talaga ako. Idagdag mo pa na tinatanong ako ni Sofie kung nasaan daw ang daddy niya.

Kaya heto ngayon dinivert ko yung atensyon niya niyaya ko pumunta sa Enchanted Kingdom. Kaya hindi niya na ako tinanong tungkol kay Angelo.

"Talaga Mommy? Yehey. I'm so excited." Tapos nagtatatakbo na siya papunta sa yaya niya. Maghahanda na daw siya. Kaya tumayo na rin ako at umakyat sa kwarto ko para maghanda. Nakasalubong ko pa si Ivan bago ako pumunta ng kwarto.

"sama ka bro?" tanong ko sakanya. //wala naman ata siyang ginagawa ngayon eh.

"Ah hindi na ate. Susunduin ko si Ciara sa kanila eh." Aba, sino si Ciara? Girlfriend niya ba yun?

"Teka, teka ate anong iniisip mo? Si Ciara yung kaibigan kong babaeng-lalaki. Hindi ko type yun mas lalaki pa sa akin yun."

"Wala pa naman ako sinasabi napaka-defensive nito. Dalhin mo nga dito yun at ipakilala sa kin. Ngayon ko lang nalaman na may kaibigan ka palang babae." 

"Okay fine. San ba kayo pupunta?"

"Sa EK lang naman"

"Okay sige. Bye ate"

 

Nakarating na rin kami sa EK sa wakas sobrang tuwang tuwa si Sofie. Bibili na ako ng ticket ng lumapit sa amin si Angelo. Bakit nandito itong lalaki na ito?

"Daddy! Kalong." at ikinalong naman siya ni Angelo. ki-niss pa nga ni Sofie si Anggelo sa cheeks eh. Inggit ka naman?. No way!

"Na-miss mo ba ako baby?" Naka-ngiti siya kay Sofie. Ibang-iba nung gabing sabihin kong hindi naman kami. Pero hanggang ngayon hindi pa rin siya tumitingin man lang sa akin para akong invisible sa kanya.

Gaga ka aya! kasalanan mo yan kaya mag-tiis ka. Anong inaarte-arte mo diyan. Ikaw na ang may sabi na walang kayo. sabi ng mahadera kong utak. Okay Fine kasalanan ko na wala akong karapatan mag-inarte.

"Opo Daddy. Bakit ka po hindi na dumadalaw sakin?" Akala ko nakalimutan niya yun na-guilty naman tuloy ako. Biglang tumingin sa akin si Angelo pero wala kang mababakas na kahit anong emosyon katulad ng gabing iyon. Naiilang ako kaya tumingin ako sa ibang lugar.

I am a Virgin MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon