Chapter Thirty-Five

13.4K 340 48
                                    

Maraiah's pov

What? No, it can't be. Madami namang Angelo bakit siya pa my gahd. Pinaglalaruan ba ako ng kapalaran? Diba't sinabi ko ng lalayo ako pero ano ito, mas lalo kaming pinag lalapit ng tadhana. Ni nga wala pang isang linggo, isang araw pa lang pero heto't na rito siya sa harapan ko at makakasama ko pa sa trabaho. Hindi na ba talaga ako pwedeng lumayo sa kanya? Mahirap na nga para sa akin yung naging desisyon ko eh tapos ito parang nagjo-joke pa ang tadhana. Ang saya naman.

"Daddy!" Laking gulat ko na lang ng makita ko si Sofie eh tumatakbo na papunta sa stage kung nasaan si Angelo. Naman! hindi ko siya nahabol. Hindi ko siya napigilan.

Naka-ngiti naman na sinalubong siya ni Angelo sa stage at kinalong. Nagsi bulungan naman ang mga tao sa paligid ko.

"What may anak na siya? sayang."

" Eh diba yan yung anak ni ma'am Aya. Pano naging anak yan ni Mr. Dizon?"

" Baka may secret affair sila."

" Eh diba hindi pa kasal si Ma'am Aya?"

At marami pang iba. Hindi ko na nga maintindihan yung mga pinagsasasabi nila. Hanga din ako sa mga ito eh kung magsalita parang wala ako. Pero hindi ko na lang pinansin kasi naging busy ako sa pagyuko para hindi ako mapansin ni Angelo mahirap na. Hindi na lang ako aakyat ng stage bahala na sila Mommy at Daddy basta ako magtatago ako. Kung kinakailangan na maaga akong umuwi ay uuwi ako. Ang kaso kasama niya si Sofie pano ako uuwi?

Sumusulyap sulyap ako sa kanila habang nagtatago sa likod ng isang guest. Hindi naman ako ganoon nagpapahalata tinitignan ko lang kung nakahiwalay na si Sofie kay Angelo para maka-uwi na kami agad. Sabi na nga ba may mali dito eh kasi hindi ako kinakabahan! Ganyan ako kung kelan panatag ang loob ko staka may nangyayari na hindi ko inaasahan at ito na nga.

Nakikita ko na nagbubulungan silang dalawa at hahagikgik ng tawa si sofie samantalang si Angelo ay pangiti-ngiti lang. Nakita ko pa nga si Kuya Dave na lumapit sa kanila paakyat ng stage. Kinuha nito si Sofie mula kay Angelo.

"A-ah eh. Here's Mr. Angelo Bryle Dizon to give us a speech." sabi nung emcee na nabigla rin sa paglapit ni Sofie kay Angelo.

Nagsipalakpakan naman ang mga tao pagkatapos maka-recover sa nakita nila. Nakita ko sila Mom and Dad katabi nila si tito Johnny na naka-ngiti rin habang pinapanood si Angelo sa may stage.

Si kuya Dave naman ay nasa gilid lang at karga karga si Sofie. Hinahaplos nito ang buhok ni Sofie habang naka patong naman ang ulo ni Sofie sa balikat nito. Siguro ay inaantok na si Sofie. Nako sorry Baby wait lang baka makita kasi si Mommy ni Daddy mo. Stay foot ka lang dyan kay tito pogi mo.

"Good evening everyone," Panimula ni Angelo. Muhka talaga siyang seryoso ngayon di katulad nung mga ibang araw na magkasama kami kasi maloko siya nun. Kung titignan mo siya ngayon baka malaglag ang panty mo ang kaso kilala ko na si Angelo hindi lang tuloy ang panty ko ang nalaglag pati ang puso ko.

"Ang gwapo ni Sir! kahit na may anak na siya okay lang sakin!" tili ng isang babae. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon para tignan ito, para saan pa. Para awayin? Eh wala naman akong karapatan so let her be. I know where should I stand and right now I should stay away pero grabe mag joke ang kapalaran.

Should I cancel the vacation? kaso nag-expect na silang lahat. I don't want to break their hearts. And they deserve this vacation. This should be my token of gratitude para sa mga pinaghirapan nila this past few weeks para lang maisakatuparan itong party. I don't want to waste their efforts. Hindi na lang ako a-attend para walang gulo or I mean para maka-iwas ako.

I am a Virgin MommyWhere stories live. Discover now