Chapter Thirty-Two

14.7K 277 34
                                    

I dedicate this to you kuya grbe parang kinacrumple yung puso ko habang binabasa yung my husband kisses. Mag upadate ka na po! demanding lang haha parang ang sipag ko rin mag-ud makapag salita ako. xD

Maraiah's pov

Nagising ako sa mahinang tapik sa pisnge ko. Pagmulat ko ng mata ko nakita ko si Angelo na nakangiti sa akin. Nandoon siya sa may pintuan ng kotse. Nahawa ako sa ganda ng ngiti niya kaya napangiti na rin ako sakanya.

"Hi, tara na hinihintay na nila tayo sa loob." kumunot yung noo ko. Sinong sila? Tumingin ako sa labas nakakita ako dun ng magandang hardin. Punong-puno ito ng mga bulaklak at may malaking puno ng mangga sa gitna. Mayroon din mga slide, see-saw, swing at iba pang mha rides na makikita mo sa mga play grounds.

Sa play grounds ba kami nagpunta? He kissed my forehead before saying, "Tara na." nagpahila lang ako sakanya. Kumatok siya sa may mapaking pintuan. May nagbukas nito isang madre. Nasa kumbento ba kami?

"Oh hijo, sabi na nga ba at darating ka eh matagal ka ng hinihintay ng mga bata. Tara na sa loob" nakangiting sabi nito at nilakihan ang uwang ng pinto upang makapasok kaming dalawa.

"oh! may kasama ka pa lang magandang dalaga." staka lang ako napansin nito ng pumasok kami sa loob kanina kasi ay nagtatago ako sa may likod ni Angelo. Ngumiti na lang ang ako sa madre.

Habang papasok may mga batang tumitingin sa amin na para bang nakakita ng artista yung iba naman naka-ngiti ng wagas yung iba pa nga ay nagpakalong kay Angelo meron din sa akin. At mayroon iba na parang natatakot.

Isa pa lang bahay ampunan itong pinuntahan namin ni Angelo. Sabi niya sa akin madalas daw siya dito pero tatlong taon ng nakalilipas ng huling bumisita siya rito.

"Daddy!" sigaw ng isang bata at tumakbo papalapit kay Angelo habang umiiyak.

" Andrè bakit ka umiiyak?"tanong ng nakangiting si Angelo rito. Habang si Andrè naman ay nakayakap sa bewang ni Angelo kasi hanggang doon lang ang abot niya sa tantya ko 7 years old palang ito.

"Ba-bakit *singhot* ngayon k-ka lang bu-bumalik. A-akala ko nakalimutan mo na ka-kami." sabi niya dito habang umiiyak. Si Angelo naman ay pina-pat ang likod niya. Lumuhod si Angelo ka-level na siya ngayon ni Andrè.

"Sorry kung hindi nakadalaw si Daddy ha," sabay ngumiti. "Naging busy lang masyado si daddy. Hinding-hindi ko magagawang kalimutan kayo. Mahal ko kayo eh." sabi ni Angelo habang pinupunasab yung mga luhang umaagos sa mga mata ni Andrè.

Agad naman may lumapit na isang bata kina Angelo at marahas na hinila si Andrè mula kay Angelo. "Naniniwala ka kay daddy? Kaparehas lang siya ng magulang natin, mga mang-iiwan. Hindi totoo na mahal niya tayo!" Sigaw nito, isang batang babae naman. Na mga nasa edad na 9 yrs. old. Umiiyak din ito katulad ni Andrè pero ang sakanya ay makikitaan mo ng galit at poot.

"Hindi yan totoo Ate! bumalik nga siya eh" sigaw ni Andrè rito at pilit na kumakawala sa hawak ng ate niya.

"Masasaktan ka lang Andrè kung pilit kang maniniwala sa wala! tara na nga sabi eh." At hinila na nito ang maliit.

"Teka lang Andrea!" Pigil dito ni Angelo.

"No! Don't follow us daddy. Inilalayo ko lang ang kapatid ko para hindi na umasa." Sabi nito habang umiiyak. Hawak na ito ni Angelo at niyakap.

"I'm sorry for not visiting you two here. But hey I do really love you both as my own. Please don't turn your back on me Andrea it hurts." sabi ni Angelo na umiiyak na rin. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak. Naaawa ako sa sitwasyon ngayon ni Angelo. Pero hindi ko naman alam ang gagawin ko.

I am a Virgin MommyWhere stories live. Discover now