Chapter Fifteen

19.4K 252 8
                                    

Maraiah's POV




Hindi ko talaga ma gets kung bakit hindi kinokontra ni Angelo yung iniisip ng kuya niya na mag-asawa kami. What the F?! Naka drugs ba siya? Oo na O.A na pshhh.



Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung anong pangalan nung kuya ni Angelo hindi ko din alam kung kapatid niya nga talaga yun kasi kagabi naka-tulog na ako habang si Sophie ay tulog sa lap ko. Hindi ko nga alam kung paano ako naka akyat dito sa kwarto eh.Binuhat kayo ako ni Angelo? Iiiiiihh! Nakakahiya. Baka sabihin nun mabigat ako.



Pero pagkagising ko nabungaran ko ang gwapong mala-adonis na muhka nitong greek god na hinulog mula sa Mt. Olympus. Siguro nagkaroon siya ng kasalanan, malaking kasalanan kaya pinatapon siya mula mt. olympus. Pero kasalanan na ba ang maging super Duper uber gwapo? Pero kahit ano mang gwapo niya hinding-hindi ko aaminin sa kanya over my sexylicious dead body! Manigas muna siya. Knowing him, hah! he'll only use it against me and I will never ever let him. Capital A-S-A.



Tama na ang papuri. Ang ikinakagulat ko kasi ay katabi ko nanaman siya. Wala ba siyang kuwarto? At ito pa ang malupit naka-yakap nanaman siya sakin. Ang mas ikinagulantang ng mundo ko ay naka-yakap din ako sakanya. Dinahan-dahan ko ang paghiwalay sa kanya. Hindi na rin ako maghy-hysterical. Lesson learned na ako diyan baka mamaya kung san nanaman kami mapunta at hindi ko I mean NIYA mapigilan ang sarili niya.



Success naman ako sa paghiwalay muka sa kanya. Staka ko lang napansin hindi ko pala kuwarto ito. Oh well papel waa naman na akong magagawa.



Pagbaba ko nakita ko si Ate Annie. kasama si Kuya Trevor at yung tinawag ni angelo na 'kuya' na kumakain na.




"Oh aya gising ka na pala bakit hindi mo pa ginising si Angelo?" tanong sakin ni Ate Annie. Ang baboy talaga nito! pano ba naman kasi punong-puno ng pagkain yung bibig tapos nagsasalita. Buti na lang walang tumatalsik. Hindi na nahiya kahit hindi na lang para sa sarili niya, para sa asawa niya na lang. May iba kaya silang kasama buti sana kung ako lang yung nakaka-kita sa kanya hay nako!




"Kuya Trevor hindi ka ba nagsisisi at pinakasalan mo yang si Ate tignan mo naman ang baboy kumain." hindi ko sinagot yung tanong sa akin ni Ate kasi pustahan ng aasar lang yan. Knowing ate ang hilig hilig mang-asar pero pag siya na yung inasar ang pikon naman masyado. Minsan nga ikinakahiya ko na ate ko siya. De joke lang Love ko yan si Ate kaso minsan kailangan mong gumanti para hindi ka maapi.




"Hindi naman. Ganun ata talaga pag mahal mo yung isang tao nabubulag ka sa katotohanan." yan ang gusto ko kay kuya Trevor sinasakyan yung mga trip ko hahaha.




I am a Virgin MommyWhere stories live. Discover now