Chapter Four part two

24.4K 325 6
                                    

" Maraiaaaaaaah ! Asan kang babae ka? nako ansarap mong pukpukin dinudumog na ako ng calls. ako tong secretary slash bespren mo hindi ko alam kung nasaan yung boss slash bespren ko. Isa akong walang kwentang SEXYtary huhuhu" Ang O.A niya ano po ? Ansarap ihampas sakanya yung salamin namin.

"Nasa langit ako Dianna Janine Marquez kaya tigil-tigilan mo yang pag-iinarte mo anong sexy ? baka gusto mong ihampas ko sayo yung salamin namin sa bahay ng matauhan ka." 

"Ay bad mood ateng? minsan na nga lang mag feelingera na sexy hot babes eh. Nasaan ka ba talaga ? Andami ng flowers na dumadating dito sa opisina mo inuuwi ko na lang yung iba baka kasi malanta dito. Para may pruweba ako sa hampas lupa naming kapitbahay na may nanliligaw sakin " Yung kapitbahay niya eh yung pinsan ko na si Edward.

"Bulaklak ? Kanino naman galing ? Alam ko wala ng nanliligaw sakin." Hindi ako panget ! Pagnalalaman lang kasi nila na may anak na ako inaayawan na nila ako.

" ewan ko . basta may initials K.J. Kill joy ata to eh hahaha" Sira talaga to , pero sino nga bang KJ ? Wala akong maalala na may initials na KJ baka nga kill joy.

" Eh wala naman akong kilala na may initials na KJ. Sige na Diana gigisingin ko pa si Sophie. Babye na"

"Teka lang naman kasi. Asan ka ba talaga? para diyan nalang pinapadala tong mga flowers . Para na kasing flower shop dito sa opisina"

"Nasa kila ate Annie. Nagbabakasyon for one month "

"Ayyy Girl ! support kita diyan sige mamahinga ka na kahit 2 months pa ! ngayon ka na lang nagbakasyon sa wakas naisipan mo na rin. Ako yung nag-aalala sayo eh masyado mo ng sinubsob yung sarili mo sa trabaho. Sige na babush na at may nag-dodoorbell."

"Sige Bye" tapos binaba ko na yung phone.

Bago kasi ako pumasok sa kwarto kanina ni Sophie para sana gisingin ito eh sakto namang napatawag si Diana. Si Diana yung childhood Bestfriend ko hanggang ngayon. Kinuha ko siyang secretary kasi naglayas siya sa kanila. Bakit? kasi pinapakasal siya doon sa di niya kilala para daw mas lalong dumami yung pera nila.

Pag ka pasok ko sa kwarto ni Sophie wala siya. Saan naman nagpunta yung batang yun. Chineck ko dun sa may banyo wala din. Bumaba ako para sana itanong kina manang kung nakita nila Sophie ng may narinig akong humahagikgik na bata sa may sala.

I am a Virgin MommyWhere stories live. Discover now