4-- Don't mess with the BITCH

83.3K 1.3K 43
                                    

Keith's POV

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla akong halikan ni Peach. At ang mas ikinagulat ko eh yung bigla nalang ako tumugon. Pero panandalian lang iyon kasi bigla akong sinukahan sa damit.

Nakakainis! Ang baho! Ako pa tuloy ang maghahatid sakanya sa bahay niya dahil yung dalawang kaibigan niya eh hindi narin makausap ng matino kaya sila Paolo at Luke ang naghatid sakanila. Speaking of, hindi ko pala alam address nito.

Tinapik ko siya na nakahiga sa passenger seat. Pota! Ang baho talaga ng suka niya, hinubad ko muna yung polo shirt ko at itinapon sa basurahan. Buti nalang may extra akong shirt sa kotse ko.

Binalingan ko ulit ang babaeng hindi ko maintindihan na mahimbing na natutulog. Mahinang niyugyog ko siya.

"Hoy.. Peach.. San ka nakatira?"

"Hmmm! Asdfghjkl!" she murmured.

"San ka nakatira? Hahatid na kita."

"Ano ba?! Edi sa bahay! Bobo neto!"

Napapailing ako sakanya. Nakuha niya pang mambara sa kalagayan niya, napangiti nalang ako. Pero agad na nawala iyon nang mapansin kong nakatitig siya sakin with her droopy eyes.

"What?" I asked.

"Wala lang, ang cute mo pala kapag ngumingiti ka eh. Hahahaha. Sa West street ako, hanapin mo yung blue and black na bahay. Tulog muna ako ah."





Lasing ba talaga tong babaeng to? Hindi ko alam kung ano meron sakanya. Kaya imbis na mag-isip nag-drive nalang ako.

Nang makarating ako, sinubukan ko siyang gisingin pero walang epekto kaya binuhat ko nalang siya. Nang mag-doorbell ako sa bahay nila, isang babae na siguro 40+ na ang nakita ko. Medyo maikli ang suot nito basta. Hindi pang 40 ang itsura niya, kahit gabi na, naka make up parin.

"Anong ginawa mo sa alaga ko?" mahinahong tanong niya sakin.

"Ahm.. masyado po kasi siyang nalasing kaya po inihatid ko nalang siya."

"Boyfriend ka ba ni Peach?"

"Ay! Hindi po, schoolmate ko lang po siya."

"Osige, ipasok mo na siya sa kwarto niya. Yung yellow na pintuan ang kwarto niya. Susunod ako."

Tumalima naman ako sa utos ng tita ni Peach. Tita niya ba yun? Baka Mama niya iyon? Ay basta. Nang maibaba ko na siya sa kama niya, tinanggalan ko siya ng sapatos. Pero napalunok ako ng gumalaw siya bumungad sakin ang makinis na legs niya.

Shit! No Keith. Hindi mo siya type. She's not a proper woman. Buti nalang maya-maya dumating na yung babae na nagbukas sakin kanina.

"Sige po, mauuna na po ako." Paalam ko.

"Ah, osige. Maraming salamat sayo.. ah ano ba ang pangalan mo pogi?"

"Keith po. Sige po, medyo gabi narin eh."

Then umalis na ako at umuwi. Shit! Ang baho talaga! Argggghh. I really can't understand that woman!

===-----====

Angel's POV

"Todo ngiti ka girl ah!" pansin sakin ni Andi.

"Eh paanong hindi mangiti iyan eh naka score sa love of her life niya! Hahahaha." Kantiyaw ni Bambi.

I Love This BITCH [Fin]Where stories live. Discover now