20- Reconciliation

56.3K 875 41
                                    




Angel's POV



Sa sobrang inis ko, nagcutting classes na muna ako. Eh sa naiinis ako eh. Promise. Last na 'to. Ngayon lang. Pampalamig lang ng ulo. Napadpad ako sa isang malapit na caafe sa university namin. Dahil sa ayokong mapagod doon na ako tumuloy at buti nalang talaga walang masyadong tao. Umorder lang ako ng isang pirasong cake at latte para hindi ako masabihang tambay lang.





At dahil sa wifi ang cafe na to nilabas ko ang iPad ko at naglaro ng 2Fuse. Sa sobrang focus ko sa paglalaro,hindi ko na nagalaw ang pagkain ko. At napansin ko pa na may isang tao na umupo sa harap ko. Parang gusto ko magsisi kung bakit ko pa tinignan ang taong yun. Nawala na nga inis ko eh tapos makikita ko pa pagmumukha niya? Kainis lang ulit!





"Wala ka ba talagang manners Ivo?!"





"Hi Peach." nakangiting bati niya. Pero pansin ko hindi todo ang ngiti niya. Parang may kakaiba. Parang tipid. Pero hindi ko na pinansin. Remember Ivo? Ang ex kong nahuli sa likod ng gym. Sayang talaga kami, akala ko siya na eh. Siya kasi ang pinakamatagal kong nakarelasyon. At sana malampasan namin ni Keith iyon.





"Hindi mo sinagot ang tanong ko."





"Hindi ko alam na nandito ka. I was just about to buy coffee ng mapansin kita."





"Kaya nilapitan mo ko at umupo sa harap ko ng walang paalam?!" mataray na sabi ko.





"Peach, alam ko na galit ka sakin.--"





"Buti alam mo!"





"And I want to say sorry. Sana patawarin mo ako Peach. Hindi ko itatanggi ang ginawa ko, pero gusto ko lang malaman mo na humihingi ako ng tawad at nagsisisi ako sa ginawa ko sayo.."





Nagulat ako dahil first time magsorry ni Ivo. At ang mas lalong ikinagulat ko ay ang pag-iyak niya sa harap ko. At sobrang unusual nun. Tulad din kasi ni Keith,sikat din si Ivo dahil sa gwapo siya at active din sa mga orgs at lalo na sa sports. Matalino naman din siya iyon nga lang, palikero talagang totoo.





"S-sorry Peach. Nakakahiya naman, naiyak pa ako. Pero Peach, sana balang araw patawarin mo ako. Na sana kahit papano maisalba natin ang pagkakaibigan natin."





Nanatili lang akong nakatitig sakanya. Sa totoo lang, hindi naman ako nakaramdam ng matinding galit kay Ivo eh. Nagalit ako,Oo siyempre. Ikaw ba naman ang lokohin at saktan di ba? Pero simula nung panahong kinidnap ko si Keith at naging close kami. Hindi ko pala namalayang sa pag-usbong ng nararamdaman ko kay Keith ay iyon naman ang paglaho ng inis,galit at hinanakit ko sa mga taong nakapaligid sakin at isa na doon si Ivo.





Hinawakan ko ang kamay ni Ivo at pinisil iyon. Dahil sa ginawa ko napaangat ang ulo niya dahil nakayuko siya sakin, nang magtama ang tingin namin nginitian ko siya. A smile that is sincere.





"P-Peach?"





"Hindi na ako galit Ivo. Hindi dahil sa umiyak ka ah!" natawa naman siya sa sinabi ko. "Narealize ko lang na nakakasawa nang magalit at maging tampulan ng tsismis dahil sa dating ako."





"Dahil ba sakanya?"





"Ha?"





"Kay Keith. Dahil ba sakanya kaya nagawa mo akong mapatawad?"





I Love This BITCH [Fin]Where stories live. Discover now