Epilogue

98.2K 1.6K 146
                                    

Keith's POV



Naalala ko pa nung una kong nakita si Angel, she was dancing at the bar I used to go. She's very pretty and so sexy, pero nakikita ko siya sa campus at iba't ibang lalaki ang nagiging boyfriend nito. I hate how she dress herself. Alam ko naman may kaya ito, pero palaging kulang sa tela ang mga suot. Nakakainis rin ang pagme-make up niya, ang kapal. Pero hindi maikakaila na maganda siya. And how I wonder how she looks like when that make-up was gone.


Iniiwasan ko siya, sobrang iniiwasan ko siya dahil alam ko sa sarili ko na kapag napalapit ako sakanya patay na ang puso ko. Pero kung sineswerte nga naman ako di ba? Ako pa ang napagdiskitahan. That night at the bar, when she kissed me I have to say that it was mind blowing! Her lips tastes good. Kaya lang pagkatapos niya akong halikan bigla nalang bumagsak at ako pa ang naghatid. Doon na nagsimula ang rior sa aming dalawa, dahil tinanggihan ko ang imbitasyon niya na makipagdate, ayan pinatulog ako at kinidnap papunta sa saang lupalop sa Bataan. Akala ko hindi ako mag-eenjoy kasama siya, but I was wrong. Mali ang pagkakakilala ko sakanya, she was vulnerable when I saw her at that state, there's more to know about Angel. More things that can make one fall for her. At isa ako sa mga iyon. We became close, more than close pa nga. She makes me laugh randomly, she makes me smile just by looking at her at bigla bigla nalang siya pumapasok sa isip ko. Just then, I realized I am in love with this girl.


She changed herself for me, binago niya ang mga ayaw ko sakanya DATI. Pero ikinasaya ko parin na she changed herself, para sa aming mga lalaki, siyempre gusto naming makita ang mga babae na simple lang at natural.


We fought a lot of times but tend to patch things up and make up. I was not regretful about what happened between us. Nang may nangyari sa amin, mas lalo kong napatunayan na mahal na mahal ko ang babaeng nasa mga bisig ko. At ako pa ang una niya, I am so lucky to have my Angel.



Pero akala ko hindi na mahahadlangan ang pagmamahalan namin, na kaya naming lagpasan lahat ng problemang darating sa amin. Pero sabi nga nila, the worst is yet to come. And that was when the picture of Angel and Yvo kissing on his bed leaked. Buti nalang, hindi na nakarating sa nakatataas kung hindi baka nakicked out na sila. Back then, I was furious. Kay Angel, kay Yvo pati na sa akin. Nagdilim ang mga paningin ko na parang wala nang nakikita pa na ikababago ng iniisip ko noon. Kusang nagsara ang mga tainga ko at hindi pinakinggan ang kahit anumang paliwanag. That was the end of our relationship.



That four months weve been apart, hinahanap hanap ko siya, nagisip-isip ako na sana pinakinggan ko siya. Na pinaniwalaan ko siya. Pero nasa huli nga talaga ang pagsisisi. Hindi ko na maibabalik ang dati. The old Angel came back, suki na ng mga bars at kung sino sino ulit na lalaki ang kasama. It was painful for me to see, dahil alam ko ako ang may kagagawan ng lahat ng nangyayari sakanya. Ako lahat ang may gawa noon sakanya. Mahal ko pa siya, mahal na mahal. Pero nang magkakomprontahan na kaming dalawa, she burst out. Nailabas niya ang lahat ng sakit na kinikimkim niya at lahat ng iyon dahil sa akin. Wala akong ibang masabi kung hindi I'm sorry at Mahal kita.



So I decided to leave the country pagkatapos naming grumaduate. Gusto ko sanang yakapin si Angel nung graduation at sabihin sakanyang Congratulations but I chickened out. Cause I know she hates me so much.



Wala akong pinagsabihan na aalis ako but Kera told them kaya naabutan pa ako ni Luke. Pinigilan niya ako at sinabing pupunta daw si Angel, pero hindi ako naniwala dahil alam kong hindi totoo. Iniabot ko lang ang sulat na ginawa ko para kay Angel. I left the country. I left my heart.



Five years in States is hell for me. Sunod sunod na kamalasan ang dumating sa pamilya ko. I was devastated by my parents death. Isa pang nagpapasakit sa ulo ko ay ang konpanya. For a couple of years, nawala sa isip ko si Angel at ang pagbalik ko para sakanya. Subsob lang ako sa trabaho, cold to everyone except Kera. She's the only family I have. Pero naramdaman ko din ang lungkot at pangungulila sa isang taong kinuha ang puso ko. Again, more doubts and what if's came rushing in my mind. Kaya naman it took me five years for me to win Angel Peach de Asis back.



I Love This BITCH [Fin]Onde histórias criam vida. Descubra agora