7- Bitch for a reason

68.4K 1.1K 11
                                    

Angel's POV



"Wala akong damit.. wala akong toiletries dito.. kaya bumalik na tayo!"




Naririndi na ako sa kakaputak ni Keith naku kung hindi ko lang to gusto eh kanina ko pa pinaanod sa dagat! Kinuha ko ang susi ng kotse sa bag ko at tsaka ko siya hinarap.




"Siguro naman may cash kang dala diyan sa wallet mo?"




"Meron. Wag mong sabihin nanakawan mo ko ngayon pagkatapos mo kong kidnapin?"




Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ako? Magnanakaw?




"Paki-ulit nga ang sinabi mo? Kasi.. parang pagpinting ang tenga ko eh,"




Nilabas ko ang pinaka death glare ko.




"Wala, sabi ko bakit mo tinatanong kung may cash akong dala."




"Wala lang, para kapag iniwan kita dito hindi ako magi-guilty at least may cash ka para panggastos mo pauwi."




Then I walked towards the door. Pero bago ko pa pihitin ang door know, humarang na doon si Keith.




"Iiwan mo talaga ako? You can't do that, I'll sue you."




"Sue your face. Tabi!"




Tinabig ko siya pero bumalik lang siya sa pagkakaharang niya sa pinto.




"Look, I'm sorry if I accused you for robbery, pero huwag mo akong iiwan."




"Who says about leaving you? You are coming with me. Kaya tabi!"




Agad naman siyang tumabi then naramdaman ko na sumunod naman siya sakin. Pinasakay ko siya sa passenger seat and I drove off.




"Saan ba tayo pupunta?"




"Sa night bazaar, bibili ng kaartehan mo sa katawan."




"Hey, I object! It's not kaartehan kung hindi personal hygiene."




"Whatever!"




Nang makarating na kami sa night bazaar, pinapili ko na siya sa mga damit na tinda sa mga stalls. Pero nakaka-ilang stalls na kami wala parin napipili ang gwapo. Kaya umepal na ako.




"Hoy Keith, pagod na ako kakalakad. Bakit hindi ka nalang pumili ng kahit ano jan?"




"Eh, ang nipis ng tela eh."




I exhaled irritatingly. Hinarap ko ang tinder ng stall.




"Manang, dalawa nga pong ganito.. at tska eto.." sinusukat ko pa kung tama lang ang size kay Keith. Then tinuro ko din yung shorts and pants.. tapos kinuha ko din iyon.




"Manang, may briefs ba kayo dito?"




"Aba'y meron. Anong kulay ba?"




Hinarap ko si Keith na nakatingin lang.




"White? Gray? Black? Pink? Ano?"




"Para saan?"




"Briefs."




Nanlaki ang mga mata niya.




"Any of the first three colors!"




"Okay. Chill, as if naman may pink dito na briefs."




Nang maibalot na ng tindera ang mga pinamili namin, hiningi ko na kay Keith yung pera na pambayad tsaka inabot ito sa tinder na ngiting ngiti hindi dahil sa gwapo itong kasama ko kundi dahil tiba tiba siya sa dami ng pinamili namin.




"Oh ano pa kailangan mo?" I asked him.




"Toothbrush,mouthwash,those kinds of toiletries."




Sumakay na kami sa kotse at nang may madaanan kaming mercury drug huminto kami doon. Nang makapasok namili na siya ng toiletries niya, ako naman nasa may chocolates. Nagutom ako doon ah, kumuha ako ng chocolates then sinabay ko sa pagbabayad ni Keith/




"Libre mo ko ah." Sabi ko agad.




"Psh.. as if may magagawa pa ako. Baka iwan mo pa ako dito."




I smirk at him. Pero deep down, kinikilig ako dahil kasama ko siya 3 days pa yon!




Nang makauwi na kami sa bahay naglabas ako ng beer. Inaya ko siyang uminom pero tumanggi lang siya kaya pumunta ako sa garden at doon uminom mag-isa.




"Peach.. tama na.. gabi na."

Si Keith pala, nakaka limang bote palang naman ako ah. Pero grabe.. nahihilo nanaman ako.




"Bakit ba ayaw niyong lahat sakin?" I said.




"What are you talking about?" he asked.




"Ikaw! Ikaw,, ayaw mo sakin diba? Maraming may ayaw sakin.. kashii.. bitscshh akoo! Hahaha"




Grabe, nahihilo na ako. Hindi ko na alam ang mga pinag-gagawa ko basta the next thing everything turned black.





Keith's POV

Nawalan ng malay si Peach kaya dali dali ko siyang binuhat paakyat sa kwarto niya at inasikaso. Ganito din ang nangyari nang sinukahan niya ko. Bakit ba lagi nalang ako nasta-stuck sa babaeng ito?

Nang mapunasan ko na siya, hindi ko na pinakelaman ang damit niya. Kinumutan ko nalang kasi baka lamigin. Pero, kung tititigan si Peach, sobrang ganda niya. Mukha talaga siyang anghel kapag natutulog. Siguro kung babawasan niya lang ang make-up niya she would be much more lovely.

Pero ano ba ang sinasabi niya kanina? May problema ba siya?

I breathe out and silently closed the door. Maybe she is just a bitch for a reason.. I think.

-----

Follow @kendeyss
(Twitter/IG/ask.fm)

I Love This BITCH [Fin]Where stories live. Discover now