31 - The Bitch is back

55.8K 849 26
                                    


Angel's POV

Tahimik lang si Keith nang makapasok kami sa dressing room. Pero nang lumapit ako sakanya an tried to hold his arm doon na siya sumabog, he kicked the table beside him. Ginulo niya ang buhok niya at hinarap ako ng galit na galit.

"Isang tanong lang, sana naman maging totoo ka sa sagot mo!" Pagdidiin niya. "Totoo ba ito?"

"Keith I told you, hindi iyan totoo." Naiiyak na sabi ko.

"Okay, ganito nalang.. ikaw ba ang nasa picture na ito?" Mabagal pero puno ng diin ang pagkakatanong niya.

"Y-yes." Nauutal na sagot ko. I saw him clenched his jaw and threw the phone at the wall. Nakita ko kung paano napagtagpi tagpi ni Keith ang phone ni Sandra. He grabbed my shoulders. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Masakit at ramdam ko ang panggigigil niya.

"Bakit ha? Hindi pa ba ako sapat? Iyong picture kagabi iyon di ba? Akala ko ba nagshopping kayo ng tita mo pero bakit nasa kama ka niya? Ha?! ANO BA TALAGA ANG TOTOO?!"

"Keith... n-nasasaktan ako." Umiiyak na sabi ko, binitawan niya rin ako pero ang upuan naman ang pinagdiskitahan niya. Isang malakas na sigaw ang pinakawala niya at hinarap ako muli.

"Isang beses na nagsinungaling ka sakin pinalampas ko! Akala mo ba hindi ko alam na si Yvo ang kasama mo nang naghintay ka sa akin?! Pero ano ang sinabi mo?! Si Bambi ang kasama mo! Pucha naman! Puro kasinungalingan nalang ba?!"

"I lied because I know that you'll gonna be mad!"

"Eh anong tawag mo dito?! Natutuwa ba ako?! Tangina Peach! Kung alam mong magagalit ako bakit ka nagsinungaling! At nagpakama ka pa talaga sa Yvo'ng iyan!" Pagsigaw niya sa akin. Hindi ako makalapit sakanya dahil baka anong magawa niya sa akin.

"The picture is nothing Keith, pinagsamantalahan niya ako, why don't you believe me?"

"Pinagsamantalahan? It doesn't look like he's forcing you, in fact it looks like you're enjoying. Mas magaling ba siya? Does he make you more crazy than I do?" Puno ng pangungutya ang pagkakasabi niya. Nasaktan ako, pero binalewala ko dahil alam ko that I am the one at fault here.

"Y-you don't believe me?" Mahina kong tanong sakanya.

"Gusto kong maniwala sayo Peach--"

"Then why won't you believe me?" Hamon ko sakanya.

"Because, I don't know kung kapani-paniwala na ba ang mga sinasabi mo! Naguguluhan na ako! Peach, mahirap para sa akin to! Tangna, do you know how much it takes to be your boyfriend?! Halos lahat ng lalaki sa campus sinasabing nakama ka na nila, I ignored them dahil napatunayan ko namang ako ang una, pero Peach everytime we're together may susulpot nalang na ex mo mapabata, matanda lahat ex mo and now this shit! May ebidensya na! Ang hirap hindi maniwala! Ang hirap magbulag-bulagan! AAAAHHH!"

I don't know where are we ending, umiiyak lang ako basta. I am hurting so much.

"I've changed Keith.. I've changed for you." I said. Tinignan niya ako ng seryoso. Bakas sa mga mata niya ang pinaghalonh sakit,galit at pagkalito.

"Dahil ba naging challenge ako sayo Peach? Dahil hindi mo ako agad nakuha ng kinidnap mo ako? Tell me Peach, pina-ibig mo lang ba ako to save your ego?"

I was shocked on what he said. Pati ang pagbabago ko, at pagmamahal ko ay pinagdududahan na niya. Hindi na tama to. Lumapit ako sakanya.

"Mahal kita Keith at hindi iyan kasinungalingan. I'm sorry that I lied. I'm sorry..pero sana kahit ito man lang, paniwalaan mo. Paniwalaan mong minahal kita ng totoo." I touched his cheek and I saw how he closed his eyes. Pero tinanggal niya narin ang kamay ko and looked at me seriously.

I Love This BITCH [Fin]Where stories live. Discover now