27- Lie

49.8K 668 15
                                    

Keith's POV

"Tol, tara practice pa tayo!" sigaw sakin ng isa kong team mate na si Kyle.

"Hindi na, may lakad pa ako."

"Sus, ang sabihin mo eh may date pa kayo ni Peach." kantiyaw sakin ni Kyle.

"Alam mo pala eh." ganti ko sakanya.

"Alam mo pare, swerte mo diyan sa girlfriend mo nuh?!" sabi ng bagong dating na si George. Isa din sa mga team mates ko.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Dahil parang iba ang ibig sabihin nito. Oo ang swerte ko kay Angel. Dahil siya ang pinakamabait at understanding na girlfriend ko. Na kahit aminado akong hindi ko siya nabibigyan ng atensyon ngayon, dahil sa magkabilaang practices ko eh andiyan parin siya at inaalala parin ako. Tulad ng kahapon, talagang hinintay niya pa na matapos ang practice ko at dinalan pa ko ng pagkain na paborito ko sa Greenwich.

"Oo nga George! Jackpot tong si Keith kay Peach!" segunda naman ni Kyle kay George.

"Oo naman. Swerte talaga ako sa girlfriend ko!" buong pagmamalaki ko sakanila.

Ano pa ba ang hahanapin? Mabait na..masipag..maaalalahanin..maganda..--

"Nakama mo na ba?" pag-uusisa ni George.

"Ano?!" gulat na sabi ko.

"Bakit parang gulat na gulat ka? Nakama mo na nuh? Shet pare! Ano magaling ba?" sunod na sunod na tanong ni Kyle.

"Ano bang mga pinagsasasabi ninyo?!" inis na sabi ko.

"Tol, huwag mong sabihing hindi mo pa nakukuha si Peach. Eh lahat na ata ng lalaki dito naka-score na dun." sabi ni George.

"Kaya nga ang swerte mo Keith eh. Bukod sa sexy at maganda na, mukha pang patay na patay sayo yung si Peach."

"Kaya kapag sawa ka na bigay mo lang sakin pre ah!"

Kinwelyuhan ko agad si George. Gago pala to eh. Girlfriend ko ang pinag-uusapan dito.

"Pare easy lang, nagbibiro lang naman si George."

Kinwelyuhan ko din sa isang kamay si Kyle. Isa pa ito!

"Ano ba ang problema mo pare?" tanong sakin ni George.

"Bastusin niyo pa ulit ang girlfriend ko sa harap ko, sinasabi ko sainyo kalimutan na natin ang pagkakaibigan natin at ipapahalik ko talaga sainyo ang kamao ko. Nakuha niyo ba?" seryosong sabi ko.

Sabay naman silang tumango pero alam ko sa ekspresyon nila ay naiinis sila sa akin.

"What's happening here?" isang babae ang pumasok sa gym.

Nagkatinginan lang sina George at Kyle at sabay na sinulyapan ako. Seryoso lang ang itsura ko. Kung wala lang akong inaalala na baka maguidance ako nasuntok ko na ang mga iyon.

"Wala, sige una na kami." sagot ni Kyle.

"Sorry pre." huling sabi ni George at tuluyan na silang umalis.

"What was that?" tanong sakin ng babaeng dumating.

Tinalikuran ko siya at inayos ang mga gamit ko na nasa bleachers.

"Keith, I'm talking to you."

"What do you want Sandra?"

"Wala naman. Napadaan lang ako sa gym, kaya naisip ko na baka andito ka. Ayain sana kitang kumain."

I Love This BITCH [Fin]Where stories live. Discover now