17- YES!

63.5K 957 20
                                    





Angel's POV



Today is the day! Ngayon na pupunta si Keith sa amin. Actually nasabihan ko na si Tita Myrna and we are preparing the foods. Nagbake pa nga siya ng cake para kay Keith eh. Siyempre hindi ako nagpatalo, ako kaya ang nililigawan kaya lahat ng cooking skills ko nagamit ko na ata para ipagluto si Keith eh.



Nang matapos na kami mag-prepare tinignan ko ang oras. 10:30am. Sabi ni Keith mga 11:30 siya dadating. I still have time. Di pa kasi ako naliligo so kahit dalawang oras ako mag-ayos talaga pipilitin kong isang oras lang. Nagpaalam na ako kay tita na aakyat at mag-aayos na. Siyempre parang sa isang normal na tao lang din, ang ginawa ko lang ay naligo, todo kuskos ng katawan siyempre para iwas libag. Tapos namili na ako ng damit. Gusto lo maging presentable ang itsura ko. Kukunin ko n asana yung shorts at sando ko nang bigla akong may maalala.



"Hindi ko gusto ang mga sinusuot mo!"



Iyan ang sinabi sa akin ni Keith kagabi. Palagi kasi akong nakashorts at sando. Yung super exposed ang skin. Bakit ko naman kasi ikakahiya ang magsuot ng ganoon eh kung may ibubuga naman ang katawan at kutis ko. Pero change is not bad. Hindi naman ibig sabihin na magbaro't saya ako para lang mapagbigyan si Keith.





Well hindi naman niya kasi sinabi na ibahin ko ang pananamit ko, ang sabi niya lang hindi niya gusto ang pananamit ko, so why not change diba? Kung magiging kami man ni Keith, which is so obvious na magiging kami, I want him to be happy. If he don't like my clothes, I'll change. Ganun ko siya kamahal.





Kaya, naghukay ako sa kasuluk-sulukan at kaila-ilaliman ng closet ko at kinuha ang isang pair of jeans at simple plain shirt. Oo naman nuh, may mga jeans at plain tshirts ako. Kaya wag na kayo magulat diyan. Sinuot ko na iyon. Humarap ako sa salamin at tinignan ang itsura ko. I look different.





Different in a good way.





Inilugay ko lang ang buhok ko tapos lipgloss at pabango lang ang in-apply ko. Then tapos na. Grabe talaga! Ang ganda ko talaga! Kahit ata pagsuotin ako ng basahan at puro grasa ang mukha ko maganda parin ako. HAHAHA. Pampatanggal kaba lang, kasi sobra akong kinakabahan ngayon! This is so not me!





Ding Dong! Ding Dong!



Uh-oh. Si Keith na iyan, bakit ganyan siya? Nagbi-breathing exercise palang ako eh! Last look ako sa salamin at dali-daling bumaba na. Naabutan ko siya sa sala at nakaupo sa couch. Pinapasok na siguro ng katulong kasi si Tita nagbihis saglit.



Tumayo siya nang makita ako. Nakatingin lang siya sakin.



"Uhm Hi." Nahihiyang sabi ko. Tangna Angel Peach! Hindi ka ganito! This is so not you!



"Angel? Uh.."



Ang gulo ng expression niya. Alam niyo yung nakangiti siya tapos napapailing na hindi alam ang sasabihin. Ganun. Ganun siya.



"Hmm? Uhm, may problema ba?"



"Ahh.. wala! Nanibago lang ako sa suot mo. First time ko kasi ikaw nakitang nakajeans at shirt."



"Ah. Oo, bagay ba? Komportable din kasi kapag ganito ang suot."







Lumapit siya sakin at iniipit sa tenga ko ang nakatabing na buhok ko sa maganda kong mukha. Tae! Alam ko namula ako sa ginawa niya. Sakanya lang ako nagkaganito. Sa mga past boyfriends ko, Oo, kinikilig din ako pero mild lang pero bakit kay Keith para akong kinukuryente. Para akong naiihi. Para akong may insekto sa pwetan at di mapakali. Ganoon ang epekto niya sakin. Nawawala ako sa sarili.





I Love This BITCH [Fin]Where stories live. Discover now