9- Bad Mouth

73.7K 1.1K 43
                                    







Keith's POV




Heto kami ngayon at nag wu-wood hunting. Grabe, kaming tatlo nina Paolo at Luke ang tinaguriang Campus Hunks tapos heto kami at naghahanap ng mga kahoy sa dalampasigan dahil inutusan ng tatlong babaeng amasona.

Hindi ko nga alam kung bakit kami napasunod ng mga iyon eh, basta ang alam ko lang napanganga ako sa paghataw nila ng mga salita sa tatlong babae kanina. Oo, we like attentions. Hindi naman kami mga snob at kung may lalapit saamin sige lang kami sa pagentertain. Gentlemen eh.



"Grabe nuh.. ang tataray nila!" sabi ni Luke habang pinupulot ang mga maliliit na kahoy.



"Sinabi mo pa, natatawa nga ako sa reaksyon nung tatlong dumikit satin eh. Namumula na sa galit! Hahahha!" natatawang sabi ni Paolo.



"Bilisan niyo na nga jan, baka mamaya di tayo pakainin ng tatlong iyon!" sigaw ko sakanila.

Agad naman nilang binilisan ang pagpulot sa mga kahoy at sabay sabay na kaming bumalik. Habang bumabalik, nagkekwentuhan lang kaming tatlo.

"Di ko talaga aakalain na nasa beach ako ngayong sembreak." Sabi ko sakanilang dalawa.



"Ako din kaya. Pero okay narin, nang makapag-enjoy naman tayo." Sabi ni Luke.



"Tama, at sina Peach pa ang kasama natin. Eh pangarap ng mga lalaki natin makasama si Peach." Sabi ni Paolo na parang naka-jackpot,



"Tulala nga ko kanina nung hinubad ang mga shirts eh! Pare, ang sexy pala ni Bambi noh?" sabi ni Luke na may pa hand gesture pa.



"Si Andi kaya ang sexy!" sabi ni Paolo.



"Si Peach din.." wala sa sariling sabi ni Keith.



"Uyyyy! Narinig ko iyon!" kantiyaw sakanya ni Paolo.



"W-wala ah! Tumahimik nga kayo." Saway niya sa dalawa.



"Sus.. kunwari pa.. o ayan na pala tayo eh.. PEACH!!!!!!" sigaw ni Luke tapos tumakbo na sila ni Paolo papalapit kela Peach na naghahanda na ng pagkain namin. Hinabol ko nga sila at baka kung ano pa ang sabihing kabalastugan kay Peach.



"HOY!! Umayos nga kayo!" tumakbo narin ako.

Pero parang hindi parin nila ako narinig at lalo pang binilisan ang pagtakbo.



"PEACH! ANG SEXY MO DAW.." sigaw ni Luke.

"SABI NI KEITH! YIHEE!" habol na sigaw ni Paolo..

"MGA GAGO!" sigaw ko.









Angel's POV

Naririnig kong nagsisigawan ang tatlong ugok at naghahabulan. Nakuha pa nilang maghabulan samantalang kanina pa namin hinihintay ang mga kahoy kasi malapit na magdilim. Aba, makakatikim tong tatlong to.

Lumakad na ako papunta sa kanila na naghahabulan parin.

"HOY, MGA LALAKI! ABA AT ANG SARAP NG LARO NIYO HA!" sigaw ko sakanila na nakapameywang pa ko. Take note naka bikini top lang ako, kamusta naman ang curvaceous body ko dib a?

Agad naman sila napatigil sa mga ginagawa nila.

"Mawalang galang pero wala akong galang ngayon, baka naman pwede niyo muna ilagay ang mga kahoy na napulot ninyo doon at tsaka kayo humayo at magtatatakbo jan. Pwede?"



I Love This BITCH [Fin]Where stories live. Discover now