33- Brand new start

57.9K 756 8
                                    

Angel's POV

Woohooo! Graduate na ako! Shet! Sarap magmura! Four freaking years I'm finally freeeeeeeeee!!!

"Peach! picture tayo!" Tawag sakin ni Bambi at Andi. Tumakbo ako papunta sakanila at inakbayan silang dalawa dahil ako ang nasa gitna.

"Oh my freaking Ghad, I can't believe na nakasurvive na tayo!" Sigaw ni Andi.

"AHHH!!" sabay sabay kaming nagtatatalon at nagsisisigaw nina Bambi at Andi. Pagpasensyahan niyo na kami talaga ang magkakasama simula't sapul eh. Mapaginhawa at madalas sa hirap.

Madaming nagpapicture sa akin, at nagpasign pa ng mga notebooks nila. Well, sikat eh. Anong magagawa ko? Ahaha.

Tita Myrna was so proud of me. Bakit ko alam? Kasi kanina pa niya iyon pinapaulit na sinasabi sakin with matching tears. Natatawa na nga lang sakanya si Donald na fiancé niya eh. I'm really grateful kay Tita Myrna, dahil kahit na hindi niya ako tunay na kadugo, iginapang niya ako. Inalagaan, binihisan, pinakain at tinuring na parang sakanya talaga ako nanggaling.

"Peach.." Pukaw sakin ng isa kong blockmate.

"Yes?" Nakangiti kong sagot sakanya. May iniabot siya saking isang red rose at umalis nalang bigla. Tinignan ko ang bulaklak na hawak ko at binasa ang card na nandoon. Napangiti nalang ako at agad na pumunta sa soccer field na nakalagay sa card.

Nakita ko ang lalaking nakatalikod na hawak ang graduation cap nito. Tumakbo ako at binatukan siya.

"Aray naman Peach!" Reklamo nito habang himas himas ang ulo nito.

"OA ah. Oh, bakit mo ako pinapunta rito?" Tanong ko sakanya.

"Wala lang, para masolo kita?" Nilingon niya ako wearing that smug smile.

"Ulol!" Batok ko ulit sakanya.

"Aray! Nakakarami ka na ah!" Reklamo nanaman niya.

"Umayos ka nga kasi Yvo!" Natatawang sabi ko sakanya.

Okay na kami ni Yvo, well back to start. Friends at hanggang dun nalang talaga iyon. Napatawad ko na sila ni Sandra sa ginawa nila. Though, Sandra still gets into my nerves pero tinantanan narin namin ang isa't isa matapos ang gulo sa bar. Yvo kept chasing me at hindi ako tinantanan hanggat hindi ko siya napapatawad. Kaya ayan, cool na kami.

"Seryoso na Peach. Gusto ko lang mag-thank you sayo." Seryosong pagkakasabi niya sakin.

"Thank you saan?" Nakangiting tanong ko sakanya.

"Thank you, dahil tinanggap mo parin ako. Bilang kaibigan, kahit na ang laki ng kasalanan ko sayo."

Natawa ako sa pagkakaseryoso niya. Pero tumigil din ako nang makita kong talagang hindi siya nagbibiro kaya tumikhim ako ng malakas bago magsalita.

"Wala na iyon, past is past hindi ba? Tsaka ayoko naman na magkaroon ng unsolved issue sainyong lahat."

"Talaga lang ah."

"Bakit parang sarcastic naman ata iyang pagkakasabi mo?" Natatawang sabi ko kay Yvo.

"Kung ayaw mo ng unsolved issues, edi ibig sabihin mag-uusap na kayo ni Keith?" Prankang sabi nito sakin.

Napatigil ako at napatingin nalang sa malawak na field. Iniisip ko parin kasi lahat ng nangyari sa amin ni Keith eh. Hindi ko itatanggi na mahal ko parin siya dahil mahal ko parin talaga siya. Hindi nagbago iyon. Pero siyempre andoon parin ang mga second thoughts ko sa aming dalawa.

I Love This BITCH [Fin]Where stories live. Discover now