35- Hurting once again

55.3K 772 19
                                    

Angel's POV

Nagda-drive ako ngayon papunta sa venue ng engagement ni Sandra. She just texted me the address. Nakakainis nga eh! Kasi alam niyo ba, hindi ako sinamahan ni Yvo. Well, I understand naman kasi Cathy needs him. Pero ang hindi ko maintindihan ay pati si Bambi at Andi ay busy. Sabi may date daw sila kina Luke at Paolo. Nakakagulat kaya! Oo, dati may something sakanila noong college pero sandali lang iyon tsaka alam ko may jowakels iyang si Bambi eh! Si Tita Myrna naman hindi ko maistorbo dahil siyempre busy din siya kay Donald. Kaya heto, solo flight ako sa pagtatrabaho.

Ang sabi naman sakin ni Sandra, naghire naman siya ng makakatulong ko sa pag-aayos kaya siguro pwede na rin iyon. Nakarating ako sa isang convention center kung saan gaganapin ang engagement party. Pagkapasok ko, halos wala pang naaayos. Yung mga upuan, nakataob parin. Yung stage wala ring ka-design design. Yung malaking flat screen sa gilid ng stage hindi nakabukas. Paano ko malalaman kung saan ko ilalagay ang mga bulaklak di ba?

Tinawagan ko si Sandra.

"Hello?"

"Hello, Sandra..nandito na ako sa venue. Uhm, wala pa kasing naayos eh hindi ko alam kung saan ilalagay ang ma bulaklak."

"Oh.. osige.. uhm.. Punta ko diyan ngayon nandito lang naman ako sa kwarto katabi niyan eh. Wait me."

Hinintay ko si Sandra. Hindi ko maiwasang tignan at sipatin ang venue. It's 5:45 in the afternoon at malapit nang gumabi. The event starts at 7pm. Paano nila papaandahin ang isang napakalaking lugar sa loob lang ng mahihit isang oras?


Hindi naman ako nagtagal sa paghihintay at dumating na si Sandra wearing a simple yellow dressat flats. Hindi pa naman malaki ang tiyan ni Sandra pero halatang maumbok na ito. Nagbeso lang kami at sinabi na niya sakin kung saan ko pwedeng ilagay ang mga bulaklak.


"May red carpet dito mamaya..hanggang dun sa malaking door na iyon.." Tinuro niya ang isang malaking brown na pintuan na naka-lock naman. "Diyan mo ilagay ang mga bulaklak na napili mo.. sa mga gilid ng carpet which will serve as barriers. By the way anong bulaklak pala ang napili mo?."

"Ay oo nga pala.. here.." Pinakita ko sakanya ng picture ng finished product ng mga bulaklak. Hindi siyempre kasya lahat ng arrangements sa kotse ko at syempre baka masira kaya pinadeliver ko nalang sa van. "..This one right in the middle is the Lily of the Vally..it's best for bouquets combined with different flowers, pero I made it in pot para maiba naman. These small,fragile, bell-shaped flowers are fragrant. And the flowers around it are red and white chrysanthemums."

"Wow, ang ganda! I know you'll pick the right choice. It's perfect."

"Yeah.. uhm.. congrats again." I smiled.

"Thank you! Sige ah, maiwan na kita. Tinatawag na kasi ako ng fiancé ko eh."

"Sure! Go, ako na ang bahala rito."

Umupo lang ako sa isang upuan doon at tinawagan ang nagdedeliver ng mga bulaklak. After 30 minutes ay lumabas ako para salubungin ang van. Pinapasok ko na lahat ng flower arrangement sa loob para hindi na ako mahirapan. Binilang ko rin kung tama ang bilang siyempre. Mahirap na kapag nagkulang. I was about to go inside ng may mahagip ako sa gilid ng mata ko. Nagtago ako sa isang malaking pillar para hindi nila ako makita.

Si Sandra and her fiancé
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Keith.." Mahinang usal ko sa sarili. Nanghina ako sa nakita ko.. Sandra and Keith.. kalalabas lang ni Keith sa kwarto ni Sandra.. they talked for awhile while Keith is holding Sandra's hand. Di ba dapat umalis na ako para hindi na ako masaktan pa? Pero parang na-glue ang mga paa kosa kinatatayuan ko.

Si Keith ang fiancé ni Sandra, and probably ito ang ama ng dinadala niya. Pero bakit kailangan akong gamitin ni Sandra? Ano? Para ipamukha sa akin na siya parin ang nanalo sa aming dalawa? Na si Keith ang prize? Akala ko nagbago na siya, pero hindi pa pala obviously.

I saw Keith kissed Sandra at the side of her lips at hinaplos nito ang tiyan ng babae bago umalis at pumasok sa loob ng kotse nito.

Tears rolling down my cheeks indicates that I'm hurting again.. dahil nanaman sakanila. But I won't lose. I've grown enough to be stronger. If they want me to witness their engagement, so be it! Hindi ako tanga para isabotahe ang engagement party nila. I'm not that low. In fact, pagagandahin ko pa para sakanila.

Tsaka na ako iiyak, kapag tapos na ang lahat ng ito.

Pumasok na ako sa loob. Dinial ko ang number ni Andi pero ring lang ng ring.. yung kay Bambi naman walang signal. Ayoko naman istorbohin si Yvo kasama nito ang asawa eh. I'll just work my ass to finish fast.

Konti lang ang trabahador na nandito sa venue, naiayos na nila ang mga upuan at table. Konti nga lang eh, mukhang private party lang ito at mukhang close friends and family ang imbitado.

Hindi ko na iyon pinansin at mas tinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga bulaklak ko kung paano mas mapapadali at mas mapapabilis ang pagaayos ko.

It's 6:45 in the evening.. at mabuti nalang tapos na ako sa pag-aayos. Palabas na ako ng venue ng bigla akong tinawag ni Sandra. Gusto kong sampalin siya pero I tried not to. I turned around and faked a smile.

"Aalis ka na?"

"Ah.. oo eh. Kailangan."

"Ah.. uhm ano. Wag ka muna umalis oh."

Ang kapal talaga ng mukha! Gusto pa ata picturan ang reaksyon ko kapag nalaman ko na si Keith ang lalaking pakakasalan niya. Oo, malakas na ako ngayon pero hindi naman ako masokista noh.

"My work here is done. I really need to go."

Tumalikod na ako at pumasok na sa kotse ko. Trying hard not to look back and stop the engagement.

------

Follow @kendeyss
(Twitter/IG/ask.fm)

I Love This BITCH [Fin]Where stories live. Discover now