8- No one flirts with our boys!

74.4K 1.1K 32
                                    

Angel's POV

Ang sakit ng ulo ko kaninang paggising ko. Ang nakakapagtaka pa eh may nakahanda nang almusal sa bedside table ko. Siyempre, kaming dalawa lang naman ni Keith ang nandito kaya alam ko siya ang may gawa nun.

Pagkatapos ko makaligo,bumaba na ako at hinanap si Keith. Nasa may likod ng resthouse siya at nakatanaw sa dagat.

"Huy!" ginulat ko siya. Natawa ako kasi napatalon siya.

"Sheez! You startled me!"

"Sorry. Uy, thanks sa breakfast. Akalain mo yun, nagluluto ka pala. Hahah."

"Yeah, besides my mother and sister ikaw lang ang pinagluto kong babae kaya you should be honored."

"Wow ha, malaking karangalan pa yun."

Naku, kung alam mo lang Keith nagdidiwang ang kaloob-looban ko sa sinabi mo. Ang ganda ko talaga. J

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong k okay Keith.

"Wala lang, ang ganda kasi ng view eh."

"Soooo, di ka na galit sakin kasi kinidnap kita?"

"I'm still mad at you, pero napag-isip ko na wala naming mangyayari kung magagalit parin ako sayo kaya eenjoyin ko nalang ito."

Napangiti ako. Yes, hindi na siya galit. Nakakainis, bakit ang gwapo ng lalaking ito? Lalo na ngayon na todo ang ngiti niya. Para siyang bata.

"I feel so relaxed!" sigaw niya.

"Bakit? Sainyo ba hindi ka relaxed?"

Napatigil siya sa one moment tapos tumingin sakin. Nawala na ang mga ngiti niya. Bad mouth! Bakit naman kasi napakadaldal ko. Gusting malaman ang lahat?! Tumingin ulit siya sa may dagat nakahawak ang magkabilang kamay sa wood fence. Matagal din kaming tahimik bago siya nagsalita.

"Paano ako marerelax kung lahat ng mata nakatingin sayo?"

"What do you mean?"

Pero hindi na niya ako sinagot. Bagkus, ngumiti lang siya at inaya na kong mamasyal. Hindi na ako nagpumilit pa na tanungin niya ako. Baka masira lang ang araw namin.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Keith.

"Basta."

Pagkapasok na pagkapasok namin ng bahay, nagpahinga muna kami at nagluto ako ng lunch. Siya naman, nanunuod lang sakin tapos nangungulit na ipasyal ko daw siya. Kaya nung mga 4pm inaya ko na siyang lumabas pero hindi ko sinasabi sakanya kung saan kami pupunta. May hinihintay pa kasi ako eh.

"Eh bakit mo ko inutusan na magdala ng mga damit? Saan ba talaga tayo pupunta?"

Kung hindi ko lang mahal itong si Keith kanina ko pa sinipa sa kakakulit niya sakin. Bago pa ulit siya magsalita, may nag-doorbell na. napangiti ako kasi alam ko kung sino iyon. Sinenyasan ko si Keith na sumunod sakin.

"Ikaw na magbukas." Utos ko sakanya. Nasa gilid lang niya ko. Nagtatakang tinignan niya ko tsaka binuksan ang pinto.

"SURPRISEEE!" sigaw ng mga dumating.

Napahagikhik ako sa itsura ni Keith ng makita kung sino ang mga bisita namin. As in nanlalaki ang mga mata niya, nagtataka din siguro siya.

Nagbeso-beso kami nina Bambi at Andi tapos hinarap namin ang mga lalaki na nanlalaki ang mga mata at nagtataka ang mga itsura.

Sina Bambi at Andi kasama sina Paolo at Luke ang mga nag-doorbell. Tinawagan ko kagabi ang mga kaibigan ko na pumunta din dito at isama sina Luke at Paolo.

I Love This BITCH [Fin]Where stories live. Discover now