34- Peace

54.8K 736 7
                                    

Angel's POV

"Congratulations Peach!"

Nilingon ko ang mga bumabati sakin. And ang aking mga bestfriends!

"Andi! Bambi! Oh my, I missed you guys!" Yakap ko sakanila.

"Namiss ka din namin bruha! Asan si Yvo?" Tanong sakin ni Andi.

"Teka, tatawagin ko."

Pumasok ako sa loob at tinawag si Yvo na kausap nina Luke at Paolo. Lumapit naman sila sa amin at binigyan nila ng drinks sina Andi at Bambi.

"Kamusta naman?" Tanong ni Bambi sa amin ni Yvo.

"Ayos lang naman. Anyway, tara pasok kayo. Nandiyan na si father." Inaya na ni Yvo ang lahat pumasok. Inalalayan niya ako papasok. Ang sweet lang talaga. Kanya kanyang kuha ng kandila ang mga bisita at sinundan lang namin si father sa pagbabasbas niya sa lugar namin ni Yvo. Hindi naman nagtagal ang blessing kaya sandali lang din ay natapos na ito. Nagpaalam lang si father sa amin ni Yvo dahil may isa pa daw itong misa na kailangang puntahan. Nagpasalamat kami at inihatid lang namin siya bago kami pumasok sa loob.

"Nice, ang ganda ng place niyo ah." Puna ni Andi.

"Oo nga, mukhang cozy naman." Komento naman ni Luke.

"Of course, magaling ata pumili itong partner ko di ba Peach?" Inakbayan pa ako ni Yvo nang sabihin niya iyon. Siniko ko nalang siya,para maialis na niya ang braso niya sakin. Ang bigat kaya!

"Alam mo, kung hindi lang kasal tong si Yvo paghihinalaan ko talagang kayo." Natatawang sabi ni Bambi.

"Yuck! Dun ka na nga kay Cathy, ikaw alalayan mo asawa mo at buntis oh!" Turo ko kay Cathy na masayang nakikipagkwentuhan sa ma bisita.




Natatawang pinuntahan naman ni Yvo ang asawa. Limang taon narin ang nakakaraam nang makagraduate kami. Ang daming nangyari sa limang taon na iyon, I got my first job sa isang advertising company. It wasn't easy at first pero nakasanayan ko na at patola nalang sakin. Si Bambi naman nag-abroad nung unang taon pero bumalik rin at mas piniling dito nalang magtrabaho. Si Andi at Luke naman ay tinake-over ang kanilang family business, si Paolo ayun tambay sa unang taon pero nakahanap din ng trabaho at ngayon finance manager na siya. Si Yvo? Ayun, lumandi ng lumandi. Haha. Joke, he also took over their family business. Three years ago, she met her childhood friend again, and that is Cathy at kailangan ko pa bang ikwento? halata naman na di ba kung ano ang bunga?


And now, nagpartner kami ni Yvo para sa isang flower cafe na bagong bukas namin ngayon. O di ba? kakaiba? Flower shop na, cafe pa! Wala lang kaming magawa ni Yvo sa mga pera namin kaya naisipan namin ito. Hahaaha. Well, might as well invest on something you love to do at iyon ay ang addiction ko sa flower arrangements. Hindi ko alam kung kailan nagstart basta malaman laman ko lang na nagtatanim at nag-aalaga na ako ng mga bulaklak.



After all these years, Yvo didn't left me. Sinamahan niya ako lagi sa pighati. Siya din ang isa sa mga dahilan kung bakit nabuhay muli ako. Siya, sila Bambi at Andi, si Tita Myrna isama narin sina Luke at Paolo. They all helped me to stand up and live again.



Nakatulong din ang new found hobby ko sa akin. Seeing my flowers bloom makes me happy and relaxed. Nilapitan ako ni Andi.


"Hey, you okay?"

"Yep. Bakit naman ako hindi magiging okay?"

"Wala. Bigla ka kasi natahimik eh."

I Love This BITCH [Fin]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें