18- Change

61.3K 856 8
                                    

Angel's POV



It's Monday! At excited na akong pumasok. Tapos na ang semestral break kaya back to school na kami. Siguro kung ako parin ang dating Peach ay aabsent ako ngayon. Pero iba na ako, dahil yun kay Keith. Hindi talaga ako makapaniwala na kami na. Wala pang nakakaalam sa relasyon namin pero for sure mamaya kakalat na ang balita.



Tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext. Agad agad nalang sumilay ang ngiti sa labi ko nang mabasa ang text ni Keith.





'Goodmorning Angel! Sayang at tanghali pa pasok mo hindi tuloy kita nasundo. Sabay tayo kain ng lunch ha? Dito ka na kumain. Ingat sa pagpasok. I love you.'





Ako na! Ako na ang laglag panty sa kilig na idinudulot ng lalaking ito. Napakaswerte ko talaga at ibinigay sa akin si Keith.





11am pa pasok ko kaya naligo na ako dahil 8am na at alam niyo naman ako, matagal ako mag-ayos. Kaya saktong 10 ako natapos. Nakapagbihis narin ako. Kinuha ko na ang bag ko at susi ng kotse at tsaka bumaba.





"Goodmorning tita!" bati ko sa tita Myrna ko.



"Mukhang maganda ang umaga ng Angel ko. Hindi na ako magtataka."



"Tita talaga.. Mahal na mahal ko talaga yung si Keith." masayang sabi ko.





Lumapit ako sakanya na nakaupo sa lamesa at hawak ang iPad niya. Sumubo lang ako mg bacon na kinakain ni Tita.





"Angel huwag ibigay ang lahat ha?"





Napatingin naman ako kay tita.



"Oo naman tita. Hindi ko isusuko ang Bataan noh!" natatawang sabi ko.





Pero sumeryoso ang mukha ni Tita.



"Hindi iyon ang tinutukoy ko, ang sinasabi ko huwag mo masyadong ibigay ang pagmamahala mo kay Keith. Baka hindi ka na makabangon niyan."





"Tita naman,iba si Keith sakanilang lahat. Alam ko hindi niya ako sasaktan."





"Hindi mo masasabi Angel, lalaki parin si Keith. It's too early to say that. Basta tandaan mo nalang ang sinabi ko. Osige na,umalis ka na at baka ma-late ka pa."







Nagpaalam na ako kay tita at umalis na. Alam ko na nag-aalala lang si tita sa akin. Pero alam ko hindi magagawa ni Keith ang nga ginawa ng past boyfriends ko.



11-12 ang klase ko at magkaklase kaming lahat nina Keith doon sa subject na yun. Nang mai-park ko na ang kotse ko,nagsuklay lang ako at lipgloss at lumabas na.



Habang naglalakad ako papasok sa campus alam ko na pinagtitinginan ako ng mga tao. Hindi naman kasi ako tanga at manhod para hindi malaman at maramdaman ang mga tinging ibinibigay nila sa akin. At dahil sa palingon-lingon ako may nabangga akong babae at nahulog ang mga dala nito.





"Aray!" bigla kong nasabi. Syempre nasaltan ako kaya automatically napa-aray ako.





Tinignan naman ako nung babae at nanlaki ang mata niya. Sophomore siguro to kasi yellow ang strap ng ID lace niya. Color coding kasi.





"S-Sorry po miss Peach h-hindi ko po sinasadya,hindi po kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko. S-Sorry po ..talaga.." nanginginig na hinging paumanhin niya.



I Love This BITCH [Fin]Onde histórias criam vida. Descubra agora