Prologue

11 2 0
                                    

"Ano'ng nangyari sa 'yo ba't basang-basa ka?" tanong sa akin ni Zei. Napahinga ako nang malalim sabay binagsak nang malakas ang dala-dala ko sa lamesa.

"Nakikita mo naman kung ano'ng nangyayari sa labas hindi ba?" napahinga ako nang malalim habang nakahawak sa aking noo. "Bwisit, hindi ko alam kung ano bang kamalasan ang natatanggap ko ngayon. Maaga na nga akong umalis sa clinic kasi wala namang ganap para sana maayos ko na yung shop isa pa sobrang makulimlim na, kinuha ko pa yung mga orders doon sa Buendia." Napaupo ako sa upuan habang pinupunasan ang aking sarili.

"Ano ka ba naman, sabi naman kasi nila ipapa-deliver dito hindi ba? Bakit naman kasi nagpupumilit ka at ikaw pa yung pupunta doon?" tanong niya sa akin.

"Ilang beses na nilang sinasabi iyon pero hindi naman nila tinutupad, nakakasura na't lahat-lahat wala pa din sila. Gusto ko nang buksan yung shop ng mas maaga sana, pero dahil sa late deliveries hindi ko magawa." Napatayo ako sa aking kinauupuan at inayos ang mga machine.

"Huwag ka kasing ma-stress kaya nga ako nandito eh, sinasamahan na nga kita dito pero iyan ka nagso-solo na naman. Cali, ano ka ba naman, huwag mo kasing solo-hin mga problems mo ayan tuloy imbis na madadalian ka mas lalo kang nahihirapan."

"Zei, gusto ko lang maging maayos lahat, but yeah thanks na nandito ka. Tignan mo kakagaling mo lang kanina sa isang shooting tapos dumiretso ka na agad dito," sambit ko sa kaniya. Napangiti naman siya sa akin dahil sa sinabi ko.

"Syempre naman, ikaw na iyan eh. Besides If need mo ng tulong madami naman akong kakilala na pwedeng tumulong sa atin para sa shop mo. Huwag mong stress-in yung sarili mo. Look, tignan mo yung bunga ng pinaghirapan mo. From singer to coffee shop owner ka na girl. Like ito yung pangarap mo hindi ba?" sambit niya sa akin. Napangiti naman ako sabay napatingin sa paligid.

"Grabe, ang bilis ng panahon, hindi ko alam nag anito na din pala yung mapupundar ko. To think na akala ko hindi ko kakayanin. Gusto mo ba ng kape? Pwede naman ako magtimpla for you, wait lang," sambit ko sa kaniya. Pinunasan ko ang sarili ko habang papalapit sa machine.

"Hays, swerte ko talaga na nandito ako eh, laging may libreng kape, charot," tawa niyang sabi. "Pero sana naman makita nila Quin at Drei itong coffee shop mo like tignan mo naman din ang happenings. Mas lalo na ngayong gumaganda."

"Alam mo, nagcha-chat na nga kami ni Quin, sabi niya madami pa siyang ginagawa. So hindi ko din naman siya mapilit, alam mo na doctor na kasi," sambit ko sa kaniya. Napangiti naman si Zei sabay napatango-tango.

"Kung kelan tumatanda tayo ang hirap-hirap na nating pagsamahin. Isipin mo iyon, ang dami nating sanang pwedeng gawin ngyaon kasi wala ng stress sa school, pero yung stress naman sa works ang dami, nakakaloka," sambit niya sa akin.

"Well ano pa nga bang gagawin natin eh iyon na talaga, at least last year meron pa din tayong isang gala ket hirap na hirap tayo paano natin itatago si Drei," sambit ko sa kaniya.

"Oo nga pala, hindi ka ba magtatayo ng sarili mong clinic?" tanong niya sa akin. "Ano bang plano mo? Tagal mo din nawala dahil sa pag-aaral sa med school," dagdag niya.

"Uhm not sure about that, hindi pa ata kaya ng budget. Besides may trabaho pa din naman ako sa hospital, sadyang ginagawa ko lang yung coffee shop ngayon, alam mong isa ito sa mga priority ko hindi ba?" Napatango-tango naman siya bilang sagot.

"Grabe girl ang layo mo na talaga, hirap ka ng i-reach." Napatayo siya sa kaniyang kinauupuan sabay tumungo sa pader na wala pang design at sa baba no'n yung mga pictures na ididikit ko doon.

"Ano'ng gagawin mo dito?" tanong niya habang nakaturo sa pader.

"Diyan ko ilalagay yung pictures, dahil nga sanctuary café like, parang shelter, so lahat ng pictures with the person na tinuring kong sandalan ko eh ilalagay ko d'yan. Buti nahatid ni Mama sinabi ko kasi kahapon iyan para masimulan ko na yung decorations."

Wild Summer Escapade (Connected Hearts #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon