Chapter 19

5 2 0
                                    

"Every steps I take I still choose you..."

CALI

NILAPAG ko ang bag ko sa kama sabay napahiga. Nakakapagod din yung biyahe kahit nakaupo ka lang samahan pa ng traffic.


"Pahinga ka muna, Gabby, alam kong pagod ka sa byahe," sambit ko sa kaniya. Kumuha kami ng dalawang kama dahil isa iyon sa mga sinabi niya sa akin. He knows his limits and I love him for being able to know his limits.


"Okay, pahinga lang ako tapos mamaya labas na tayo, puntahan natin lahat ng gusto mong puntahan," sambit niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya nang nagtataka dahil sa sinabi ko.


"Gusto ko, eh paano ka?" tanong ko sa kaniya.


"What you want is also what I want. Babawi nga ako sa 'yo 'di ba?" nakangiti niyang sabi sa akin. Hindi naman ako makaiwas ng tingin sa kaniya dahil para akong binibihag ng mga tingin niya. "Kinikilig ka?" tanong niya sa akin.


"Hindi 'no, Kapal mo naman, sino ka ba para kiligin ako?" tanong ko sa kaniya. Umiwas ako ng tingin sa kaniya para hindi niya makita ang tinatago kong mga ngiti. Nagulat na lamang ako nang biglang may yumakap sa akin sabay kiniliti ang tagiliran ko.


"Yie, kinikilig ka ah, namumula yung pisnge mo eh. Okay lang, I love to see my girlfriend falling in love with me every time," sambit niya sa akin.


"Ano ako lang mahuhulog sa 'yo? Unfair mo naman," mahinahon kong sabi. Napangiti naman siya sabay lumapit sa tenga ko.


"I fall for you every time our eyes met," sambit niya sa akin. "I love you, Cali." Napalunok ako dahil sa pagkabigla. Ito na ba iyon? Ito ba talaga yung real Gabby na hindi ko nakita no'n?


Bigla siyang lumapit sa noo ko sabay hinalikan ito dahilan upang mapapikit ako. Naririnig ko lang ang mabilis na pagtibok ng puso ko na para bang hinahanabol ako nang mga kabayo.


"I love you too," malambing kong sabi sa kaniya.


"Pwede ba akong tumabi sa 'yo ngayon? Sabay na lang tayong matulog," sambit niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinagtulakan palayo sa halip ay niyakap ko lang siya pabalik.


NAKATULOG kaming dalawa sa ganoong posisyon dahil na din sa pagod. Paggising ko, naramdaman ko na wala sa tabi ko si Gabby pero nakakarinig ako nang tubig na umaagos sa loob ng banyo. Sa tingin ko ay naligo muna siya. Tinignan ko ang cellphone ko at nakita ko ang oras. Pasado alas-kwatro na din pala ng hapon. Medjo matagal din kasi ang naging botohan kaya hindi kami nakaalis ng maaga ni Gabby.


Nagulat naman ako nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas doon si Gabby na basa-basa ang buhok at tanging tapis lang ay tuwalya na nakatali sa kaniyang bewang. Napalunok naman ako sabay nagkunwaring bumalik sa pagtulog dahil sa kaba.


Nakakahiya naman kung makita niya akong nakatingin sa kaniya na bago pa lang naman kaming dalawa. Medjo dinilat ko lang onti ang mata ko dahil sa kuryosidad sa ginagawa niya. Kasalukuyan na siyang nakasuot ng boxer at pinupunasan ang kaniyang katawan.

Wild Summer Escapade (Connected Hearts #1)Where stories live. Discover now