Chapter 07

4 2 0
                                    

"If it's you, all the pain will be erased..."


CALI

LUMIPAS ang mga araw, we're still good. Hindi ko lang alam kung kay Yna good pa din. I still remember yung sinabi niya sa akin that week nung na-sprain si Gabby. Gusto niya akong palayuin pero wala naman din akong dahilan para lumayo hindi ba?


We still talk, pero ramdam ko yung galit na namumutawi sa mata ni Yna kapag nakita niya kaming nag-uusap.

"Cali," napatigil ako nang marinig ko si Gabby na papalapit sa akin.

"Aga ah," sambit ko sa kaniya. Napatingin naman ako sa paa niya at nakita ko na medjo okay-okay na din siya maglakad unlike nung unang weeks.


"Ayos na yung paa mo?" tanong ko sa kaniya. Napangiti naman siya sa akin sabay napatango-tango. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang siya ay nakasunod sa akin.

"Pina-check ko na kahapon sa doctor, sabi okay na pero need lang ingatan pa din. Wala din namang nabaling buto eh, pero may ugat lang na naipit. Siguro bukas pwede na akong mag-practice para sa intrams natin," sambit niya.


"So sasalang ka pa din?" tanong ko sa kaniya.

"Bakit ayaw mo ba akong makitang maglaro?" tanong niya sa akin. "Pero ibang laro yung sasalihan ko eh." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Huh, hindi ba sepak yung lalaruin ninyo yung mga kasama ninyo ni Clifford nung nag-compete?" tanong ko sa kaniya.

"Edi ang unfair no'n kapag nangyari iyon? Besides ang group ko is yung mga kaklase natin, kasi ang magkakalaban is by levels," sambit niya sa akin.



"So ano'ng lalaruin mo?" tanong ko sa kaniya.


"Hindi ko pa alam eh, pero yung isa sepak, yung isa hindi ko alam. Sana hindi basketball, kahit volleyball na lang," sambit niya sa akin.


"Bakit hindi ka ba marunong?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi, ever since nung grade school ako, sepak na nilalaro ko so hindi na ako nag-try ng basketball. Siguro for fun lang pero sepak pa din talaga eh," sambit niya sa akin. Napatango-tango naman ako dahil sa sinabi niya.


"Cool mo siguro kapag naglaro ka ng basketball, baka dumoble yung fans mo," sambit ko sa kaniya. Napatingin lang siya sa akin dahil sa sinabi ko.


"Gusto mo akong maglaro ng basketball?" tanong niya sa akin.

"Ikaw, baka mamaya hindi mo naman kaya. Oo nga pala pupunta ako ng music room, ikaw pa lang mag-isa dito sa room ah," sambit ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa room na wala pang katao-tao.

"Samahan na lang kita, pakinggan ko kayo ni—sino yung lalaking kasama mo?" tanong niya sa akin.



"Andrei?" sambit ko.

"Yeah Andrei, panoorin ko na lang kayong kumanta," sambit niya sa akin. Napakibit balikat na lang ako at naglakad na papunta doon.


Napatingin naman kami sa loob at nakita namin na nandoon na si Andrei kasama as usual si Nate. Hindi ko alam kung bakit ba laging andito iyan sa music room kahit naman hindi siya nagpa-practice o wala namang ganap yung club nila. Napapansin ko na laging andito 'yan kapag andito kami ni Andrei.

"Anjan ka na Cali and with Elvis? Tama ba?" tanong ni Andrei. Bigla namang napatingin sa amin si Nate habang hawak ang bola ng basketball.


"Yeah, Elvis," mahinahon na sabi nito. Napatango-tango naman si Andrei sabay naglakad papunta sa piano.

Wild Summer Escapade (Connected Hearts #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon