Chapter 05

4 1 0
                                    

"It's over, in this game... I already lose..."


CALI

"Huh?" nauutal kong tanong. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng ganito, medjo nabigla ako dahil sa tanong niya sa akin.


"Eh laging sa akin sila nagpapa-picture eh, edi ako naman yung magtatanong," sambit niya sa akin. Napaiwas naman ako sa kaniya ng tingin sabay napainom dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko. Dapat talaga hindi na lang ako uminom ng may caffeine, mas lalo akong nakakaramdam ng palpitation.


Nagulat naman ako nang bigla siyang tumabi sa akin sabay binuksan ang camera ng cellphone niya. Napatingin naman ako doon bago napatingin sa kaniya. "A-ano'ng meron?" tanong ko.


"Picture, baka magtampo ka na eh," sambit niya sa akin. Napatingin naman siya sa camera sabay ngumiti habang ako ay nanatiling nakatingin lang sa kaniya. Agad naman niyang nilapit ang kaniyang cellphone sabay tinignan ang kuha niyang picture.



"Nice ang ganda nito ah kasi hindi ka lang nakatingin sa camera, meron bang dumi yung mukha ko?" tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa picture at kita ko doon ang 'pagtingin ko lang sa kaniya habang siya ay nakangiti sa camera.


"You know what, better ito kung ilalagay mo ito sa coffee shop mo soon," sambit niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.


"Bakit naman?" tanong ko.


"Wala lang, memories isa pa ang cool nito oh, tara isa pa," sambit niya sa akin. Agad naman siyang tumayo sabay pinatayo din ako at humarap kaming dalawa sa salamin kung asaan niya tinututok ang camera niya.


"Smile naman jan," sambit niya. Sinunod ko naman ang utos niya at lumabas ang isang magandang larawan. Napatingin naman siya doon at ngumiti.



"Nice, Maganda," mahinahon niyang sabi. "Send ko na lang sa 'yo mamaya," sambit niya. Naglakad naman na siya pabalik sa upuan niya. Nakatingin lang siya sa cellphone niya habang nakatingin lang sa cellphone niya at nakangiti. Hindi ko alam kung ano yung ano yung nasa isip ko pero kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinapat sa kaniya ang camera.


Habang may chance ako, kinuhaan ko na siya ng picture habang hindi siya nakatingin sa akin. Sa pangalawang pagkuha ko, sakto sa pagpindot ko ng shutter agad siyang tumingin sa akin kaya nagkunwari ako na para akong nag-i-scroll sa Facebook.



"Grabe ang ganda naman ng meme," sambit ko.


"You know what, may flash yung camera mo," sambit niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya na kinakabahan dahil sa sinabi niya.


"H-huh?" nauutal kong tanong sa kaniya.


"You took a photo of me," sambit niya sa akin.


"Huh? May nag-message lang kaya umilaw, ito naman. Gusto mo bang picture-an kita? Pwede naman, para naman mabago na yung profile mo sa Facebook," sambit ko sa kaniya.



"No need na, you already took a photo of me, send mo na lang sa akin," nakangiti niyang sabi sa akin. "Huwag mo lang masyadong tignan ah, baka ma-fall ka, charot!" sambit nita sa akin. Napakunot naman ang noo ko habang nakangiti dahil sa sinabi niyang iyon.


"Kapal mo naman, at tsaka in fairness china-charot mo na ako ah!"


"Well, ikaw naman ang nag-uumpisa no'n eh," sambit niya sa akin.

Wild Summer Escapade (Connected Hearts #1)Where stories live. Discover now