Chapter 08

8 2 0
                                    


"We're partners in crime after all..."

CALI

"Ano shot ka pa?" tanong sa akin ni Gabby. Napangiti lang naman ako sa kaniya sabay binigay sa kaniya ang shot glass ko. Napatingin naman ako sa buong paligid at nakikita ko na puro matanda ang umiinom doon.


"Ikaw ah, paano ka nakakapasok sa ganitong lugar? Sixteen pa lang tayo eh, going seventeen pa lang," sambit ko sa kaniya.

"Well, connections," sambit niya sabay inom. Napakunot naman ang noo ko sabay ininom ang binigay niya sa akin.


"So matagal ka na dito?" tanong ko sa kaniya.


"Yeah, kapag trip kong uminom dito lang ako pumupunta, it's accessible and hindi naman nila ako pinapakialamanan kasi kilala ko naman yung may-ari. Nung una syempre mahirap pumasok kasi nga under age, pero ngayon pwede naman basta hindi ganon ka dami yung iinumin natin," sambit niya sa akin.

"Hindi ba mare-reklamo ito, kasi you know nagpapasok sila ng minor?" tanong ko sa kaniya.

"Well, tayo lang naman yung pinapasok nilang minor kaya nga tayo nandito sa VIP at dumaan sa likod para hindi mareklamo and isa pa, kailan ba naging maayos ang law sa Pilipinas?" tanong niya sa akin. Well may point din naman siya, ang kaso I feel like parang ang illegal lang nung ginagawa namin, but at some point, nag-e-enjoy din naman ako.

"So nage-enjoy ka ba?" tanong niya sa akin. Napahinga ako nang malalim sabay napasapo sa aking ulo.

"Yeah, at some point nakalimutan ko yung iniisip ko. But I'm still shock that this Gabby guy in front of me, does this thing. Like I can't imagine," sambit ko sa kaniya. "Kaya ka siguro pinapagalitan kasi lagi kang ganito eh," natatawa kong sabi.


Nawala naman ang ngiti niya sabay uminom. "Actually, I'm doing because of them. Isipin mo you just need to follow all of their orders kahit you know to yourself hindi ka magiging masaya. It's like how can I travel the world, experience things that is out of my comfort zone kung hindi ka din naman nila papayagan. Yes, I might have a shelter, a protection, yet I don't feel the satisfaction and the happiness inside that shelter," sambit niya sa akin.

"Baka nami-miss understood mo lang sila, siguro dahil sa sobrang protective nila ganon yung nagiging dating sa 'yo," sambit ko sa kaniya.

"Well, sana nga ganon na lang, but it is different because they wanted me to become a person na hindi naman ako. Ikaw ba hindi mo pa ba naramdaman yung gano'ng feeling?" tanong niya sa akin. Napahinga naman ako nang malalim sabay napaisip sa sinabi niya.

"Actually, hindi. Kasi okay naman sila sa mga desisyon na ginagawa ko. Siguro problema lang ng pamilya namin eh yung nakita mo kanina. Alam mo kung bakit sila nag-aaway? For sure dahil na naman iyon sa pera. Hindi ko na din alam kung paano ko sila papagitnaan. Pinipilit ko lang yung sarili ko na hindi isipin pero kasi kapag panganay ka tapos meron kang nakakabatang kapatid hindi mo din maiiwasan na hindi maisip yung problema." Napainom muli ako.

"Kung pwede lang kumita na ng pera ngayon gagawin ko na para lang makatulong ako. Iniisip ko kasi malapit na akong mag-college, mas lalong dadami yung expenses so hindi ko alam kung ano yung gagawin ko kapag dumating yung time na iyon. Kung ngayon pa lang short na short na kami what more sa time na iyon," sambit ko sa kaniya. Napahinga naman siya sabay kinuha ang wallet niya.

"Magkano ba kailangan mo?" tanong niya sa akin. Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya sa akin.

"Baliw, grabe ka naman nagiging sugar daddy ng wala di oras ah," pabirong sabi ko.

Wild Summer Escapade (Connected Hearts #1)Where stories live. Discover now