Chapter 16

7 2 0
                                    


"The chances that we take, until we fall in love again."

CALI

"Hindi mo ba ako kakausapin? Kanina pa ako nandito oh?" sambit niya sa akin. Napalunok lang ako sabay binaba ang kutsara at tinidor ko at napatingin sa kaniya. Nakita ko naman na nagseryoso siyang muli at tinignan lang ako ng diretso.


"Hindi ka ba talaga lalayo? I mean come on maging prangka na tayo sa isa't isa dito Gabby. Both of us know kung ano'ng nangyari nung gabing iyon, hindi ba? That mark on your neck, iyan yung patunay nung pagkakamali nung sa ating dalawa, kaya bakit mo ba need suwayin yung parents mo?"


Bigla namang bumaba ang kaniyang emosyon at naging mas seryoso. "Hindi mo alam kung ilang beses akong binangungot after that dahil lagi kong napapanaginipan na nakita kitang mag-agaw buhay at hindi ko matatanggap na kapag nagmatigas ako sa punto na iyon mawawala ka, hindi mo ba naiintindihan iyon?" pinilit kong babaan ang boses ko dahil nasa public place pa din kami pero ang hirap kontrolin lalo na ang emosyon ko na bigla-bigla na lang kumakawala.


"Hey guys, better hindi ninyo pag-usapan yung bagay na iyan, sa kotse ninyo na lang pag-usapan. Madami na ding tao dito oh," sambit ni Zei. Napahinga ako nang malalim pinipigilan na maluha habang nakatingin sa kaniya. I need to say it all para matapos na ito. Ilang linggo ko ding dala-dala yung pangangamba na ito dahil sa mga sinabi niya at ngayon ako nabigyan ng pagkakataon na sabihin sa kaniya lahat ng hinanakit ko.


Kasalukuyan kaming nasa loob ng sasakyan ni Zei. Hindi muna pumasok si Zei dahil ayaw daw niyang makaabala.


"About what you said earlier, I know that I made something na naging traumatic sa 'yo pero hindi mo naman inintindi yung side ko."


"Ano'ng iintindihin ko doon, na yung taong mahal ko malapit ng mawalan ng buhay dahil sa pag-protekta sa akin ganon ba 'yon?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hindi maiyak sa mga oras na iyon. "Ang dami-dami mong ginawang bagay para guluhin yung buhay ko Gabby at hindi ko alam kung bakit ni katiting doon hindi naging dahilan para mawala yung nararamdaman ko." Matapang kong sabi.


"Ikaw yung dahilan kung bakit ako napalapit kay Nate, kung bakit kailangan kong pumasok sa punyetang relasyon na iyon para lang mabaling yung nararamdaman ko. Pero wala eh, ikaw pa din eh. Ang daming beses sinasabi ko sa sarili ko na tama na, pero kapag malapit na akong makalimot doon ka naman dadating. At kung kelan ka naman dadating at nasanay ulit ako, doon ka naman ulit aalis." Napatingin lang siya sa akin dahil sa sinasabi ko.


"I suffered so much. Physically, mentally, and emotionally. Kahit na ilang beses akong pumunta sa session ng psychiatrist, ang hirap pa din sa aking balikan yung time na nag-aagaw buhay ka. Tapos ngayon magpapakita ka sa akin at gusto mong kalimutan ko yung mga nangyari doon sa bahay na iyon?" tanong ko sa kaniya.


"Yung tulong na sinasabi mo, hindi ko alam kung paano ko ibibigay dahil bata pa tayo no'n Gabby, bata pa tayo. Ni hindi ko nga alam kung ano'ng gagawin ko kung sakaling laslasan ka talaga eh."


"You didn't trust me, Cali." Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Ito na naman kami, ano bang tiwala ang gusto niyang ibigay ko sa kaniya.

Wild Summer Escapade (Connected Hearts #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя