Chapter 20

10 3 0
                                    

 "The chances of love"

CALI

HINDI ko alam kung ano na ang nangyari, after kasi naming umuwi, hindi ko na makausap si Gabby. Talagang dinamdam niya yung mga sinabi ni Leo sa kaniya. Pagbalik talaga sa Bulacan, sasali na ako sa pag-aaklas ni Quin sa kambal niya, I will make sure na makukulong iyon sa Baguio!


Hindi man lang nagpaalam si Gabby sa akin na aalis siya, paggising ko na lang wala na siya sa kama niya. Even texting me hindi man lang ginawa. Hindi ko na alam kung paano ko pa susuyuin 'yon. Hindi pa naman ako marunong manuyo. Pwede kaya 'yon pagdating niya sabihin ko galit din ako sa kaniya tapos ako na yung maiinis para siya na lang yung manuyo sa akin.


Tama-tama pwede kong gamitin yung mga flings niya, sabihin ko ako nga isa lang tapos ikaw madami. Sweet naman siya eh, kaya for sure gagawin niya iyon.


Bumangon ako sa higaan ko at nag-ayos ng sarili ko. Nagulat naman ako ng biglang may nag-doorbell. Dali-dali akong pumunta doon dahil baka si Gabby yung andoon. Kailangan kong ihanda ang sarili kong magalit para siya ang manuyo sa akin.


Pagbukas ko ng pintuan, nagulat ako nang mismong helper ang bumungad sa akin at may dala-dalang tatlong bouquet ng flowers. Napakunot naman ang noo ko dahil sa nakikita ko. "Kayo po ba si Ma'am Cali?" tanong niya sa akin. Napatango-tango naman ako bilang sagot sa tanong niya.


"Meron pong nagpapabigay ma'am," kinuha ko naman isa-isa iyon dahil mukhang nahihirapan siya. "Ma'am meron pa po ditong cake and chocolate," sambit niya sa akin. Kinuha ko naman ang mga iyon habang nagtataka pa din kung ano yung mga bagay na binibigay niya sa akin.


"Meron din po siyang pinapaabot sa akin, ito po," nakita ko naman ang binigay niya sa akin na paper bag kaya kahit na hirap na hirap ako kinuha ko iyon. "Iyan lang po ma'am." Umalis na siya habang ako naman ay hirap na hirap sa hawak ko.


Hindi ko na nasarado pa ang pintuan at agad na naglakad papunta sa kama para ilapag ang hawak ko sa kama ko. Napatingin naman ako sa mga iyon at hindi ko alam kung bakit merong dumating na mga ganon. Kay Gabby ba ito? Pero kasi galit siya sa akin, hindi pa ako tinotoyo sa harapan niya kay bakit naman niya ako bibigyan ng mga ganito.


Binuksan ko yung cake para tignan kung ano ang nandoon. Napatigil ako nang makita ko ang nakasulat doon.


Happy 7th year.


7th year? Sino 'to? Kaninong seventh year ito? Kinuha ko naman ang paper bag at nakita ko na merong notebook doon at papel na nakatupi. Tinignan ko ang cover ng notebook at ang nakalagay doon ay 100 ways to make Cali Happy. Napangiti naman ako dahil sa nakita ko.


Kinuha ko naman ang papel at binuksan ko, it's a letter... from him.


Happy 7th year.


                 I know it's really hard to remember and to understand why I put 7, iyan kasi yung time na nagkakilala tayo. Seven years passed, and it's still you Cali. Starting nung time na nagkita tayo hanggang ngayon. I know we became official for at least a day, pero yung pagmamahal ko sa 'yo umabot na ng pitong taon. Challenging year as they say, but to me those seven years is a happy year for me.

Wild Summer Escapade (Connected Hearts #1)Where stories live. Discover now