Chapter 15

8 3 0
                                    


"Third time until we fell in love."

CALI

"HEY seryoso ako sa mga sinabi ko sa 'yo," napatigil na lang ako dahil sa sinabi ni Travis sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang nakain ng lalaking ito at hindi talaga siya nakikinig sa mga sinasabi ko. Ayaw ko na merong taong aasa sa akin lalo na't kasama doon ang feelings and emotion nila. Pakiramdam ko nakasalalay sa akin kung masasaktan ba sila o hindi.


"Maghihintay ako Cali, you know, seryoso ako sa sinasabi ko hindi ba?" sambit niya sa akin. Mabait sa akin si Travis, pero hindi ko alam kung kaya kong ibigay yung katulad na pagmamahal na binibigay niya sa akin. Hindi ko kayang mag-exert ngayon ng emotion sa ibang tao. After what happen sa amin ni Nate at nung kay Gabby, nawalan na ako ng gana at lakas ng loob na pumasok sa isang relasyon.


"Please Travis, huwag kang umasa na magkakaroon man soon, kasi hindi ko din alam kung magkakaroon ba talaga. Ayaw ko lang na maging burden sa 'yo."


"No kahit kailan hindi ka naging burden sa akin Cali. Alam mo 'yan." Napalunok na lang ako sabay bumabalik sa binabasa ko. Ilang beses ko na siyang ni-busted, pero ganito pa din.


"Sige, pasok na ako sa class, meron kasi akong other subjects, see you mamaya sa major," sambit niya sa amin. Nginitian ko na lang siya nang maliit bilang paalam ko sa kaniya.


"Hoy seryoso ka ba talaga ayaw mo kay Travis? Ate ko tignan mo naman yung paghihirap nung tao. Parang taon-taon na siyang ganyan eh. Wala ba talagang level up?" tanong sa akin ni Sarah.


Napahinga na lang ako nang malalim sabay napabuklat sa libro ko. "Wala talaga. I'm trying my best para makita ko yung worth niya pero wala talaga. I tried." Napatango-tango naman si Sarah dahil sa sinabi ko.



"Alam mo mahirap din yung sitwasyon ni Travis, kasi ganon na din talaga kabigat yung emotion and feelings na binibigay niya sa 'yo to the point na hirap na hirap na niyang bitawan iyon." Napalunok naman ako sabay napatingin sa direksyon ni Travis. He reminds me of my younger self. Ganyang-ganyan ako kay Gabby then tinuon ko sa iba yung nararamdaman ko kaso nagkamali ako.


WALA na din naman akong masyadong ginagawa this past few days. Lagi lang namang PUP at dorm ang pinupuntahan ko. Masyadong madaming case studies at the same time research yung mga ginagawa namin. Hindi na din kami nagkaka time ni Sarah na lumabas dahil paano kami makakahanap ng time kung ang dami ng deadlines.


"Grabe, ganito ba talaga kasipag yung mga PUP students?" pang-aasar sa akin ni Zei. Hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa niya dito at akala mo'y walang ginagawa sa taft.


"Wala ka bang condo doon, andito ka na naman?" tanong ko sa kaniya.



"Sakit pinagtatabuyan mo na naman ako? Well, natapos ko naman na yung ibang works ko syempre with the power of cramming. Kahit na matagal pa pasahan need ko na din i-cram kasi madami akong shoots na nakahilera next week."


"So busy din si Quin? Mukhang daming ganap ng brand ninyo lately ah."


"Ewan ko nga eh, buti nga hindi nagsasawa yung mga tao sa mukha naming tatlo nila Mikhaila kaka pose ng iba't ibang style para lang kumite ang brand."


Wild Summer Escapade (Connected Hearts #1)Where stories live. Discover now