Chapter 10

7 1 0
                                    


"I really wanted to change... what I regret the most"

CALI


"Huy ano na, wala ka pa din bang napipili sa nabunot mo?" tanong ni Zei sa akin. Napahinga naman ako nang malalim sabay napatingin sa mga gamit.


"Hindi ko alam kung ano bang ibibigay ko dito, feeling ko ipe-pera ko na lang para siya na lang yung bumili. Ang weird kasi eh, like hindi ko alam kung saan ko makikita ito," sambit ko sa kaniya.

"Ikaw bahala, dapat kasi bumili na tayo nung nakaraan pa, hindi yung bukas na yung party tapos hindi ka pa nakakapili ng regalo sa nabunot mo," sambit niya sa akin.

"Wait alam ko na, meron pa namang isa siya dito sa wish list niya eh, pwede ko siyang bilhan no'n," sambit ko.


Matapos kong bilhin yung ibibigay ko sa nabunot ko, pumunta muna kami ni Zei sa fast-food chain para kumain.


"Ako na o-order," sambit niya sa akin. Napatango na lang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon. Kinuha ko naman ang cellphone ko para libangin ang sarili ko.


Napatingin ako sa lock screen ko at nakita ko ang oras at ang araw ngayon. 11:29 am; December 19. Dalawang buwan, dalawang buwan after kong lumayo kay Gabby. Hindi ko alam kung paano ko nakakaya ngayon pero good thing kaya ko pa naman. Masakit to think na makikita mo na siyang masaya sa new friend niya, pero ang bright side no'n is that masaya siya ngayon unlike dati na kita mo talaga sa mukha niya yung kalungkutan.

"Tulala ka jan?" bigla akong napatingin sa nagsalita at nakita ko si Quin.

"Oh, ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.


"Wala gala lang, asaan si Zei?" tanong niya sa akin.

"Andoon nag-o-order pa," sambit niya sa akin. Umupo naman siya sa bakanteng upuan sabay kinuha ang cellphone niya. "Grabe, another day, another different figures of Joaquin Theres," natatawa kong sabi. Napailing-iling naman siya dahil sa sinabi ko.

"Huwag mong dinadamay looks ko ah, feeling ko tuloy may crush ka sa akin eh," natatawa niyang sab isa akin.


"Asa ka, alam mo, gusto ko yung ganitong side mo ang chill, kahapon jusko nakaka-intimidate, ganon ka ba talaga kapag nag-seryoso. Puro English words pa pati ang binibigay sa amin." Napatawa lang naman siya sabay napaupo nang maayos.

"Oo nga pala, naalala mo yung kaibigan namin nila Thea si Jake?" tanong niya sa akin.

"Ah yeah, yung pinuntahan nating bahay noon," sambit niya ko sa kaniya.

"Punta daw doon after ng party," sambit niya sa akin.



"Sure, iinom ba?" tanong ko sa kaniya.


"Inom? kailan ka pa natutong uminom? Ikaw ah, after nung inom ninyo nung Gabby, hindi mo na tinantanan yung pag-inom 'no?" tanong niya sa akin. Napalunok naman ako sabay napatingin sa cellphone ko upang umiwas sa tanong niya. Naalala ko ulit yung last na ininom ko at gumawa pa ako ng bagay na gusto ko ng kalimutan.

"Ayan ka na naman eh," sambit ko sa kaniya. "Ang tagal na no'n Quin."

"Malay ko ba nab aka nami-miss mo. Tignan mo ng ani hindi ka nga lubayan ng tingin kapag nakikita ko. Ayaw na lang kasing umamin ng loko, edi sana tapos ang problema ninyong dalawa." Napatingin naman ako sa kaniya sabay napairap.

"Another day, another pangaral ng isang Joaquin Theres na humaharang sa last advice niya. Hindi ba ang sabi mo sa akin noon eh let him be, hayaan lang yung sa amin kasi masyado pa kaming bata, stay cool, stay lie low tapos ngayon gusto mo namang pa aminin," sambit ko.

Wild Summer Escapade (Connected Hearts #1)Where stories live. Discover now